A/N: Hello guys! Eto na yung matagal ko ng pnromise. Sorry kung ngayon lang natapos. Dami ko kasing ginawa nitong mga nakaraang araw eh, tapos nasira pa tong laptop kaya ndi ako makapagtype. Pasensya na talaga.
And ngayon pa lang din, nagsosorry na ko sa update na 'to, alam kong hindi nyo sya magugustuhan pero eto lang talaga yung pumasok sa isip ko. Hahaha. Sorrrryyy poooooo.
Dedicated pala 'to sa aking kaibigan na nagbberdey ngayon. Happy bday beks! Treat mo ko ha! Loveyou! Mwah!
Di ko inedit kaya pag may mali, eh di may mali. Charot! hahahha! Maikli din pala 'tong chapter na 'to kase yan lang pumasok sa isip ko pero promise, bawi ako sa susunod. Mwah!
===============================================================
JULIE'S POV:
I had no idea na yun na pala yung huling beses na magiging masaya kami ni Dani. Hindi ko naimagine na after non, may magbabago saming dalawa.
-FLASHBACK-
"Babe, anong oras ka uuwi mamaya?" nakangiting tanong sakin ni Dani.
"Hmmm, di ko sure eh, baka kasi late na kami matapos sa training eh. Alam mo naman, finals na eh, and kayo pa yung kalaban namin diba? So yun, kailangan naming doblehin yung training" sagot ko naman habang inaayos yung mga gamit ko.
"Hindi ba pwedeng pass ka muna sa training na yan?"
Inis na tumingin naman ako sa kanya.
"Dani, alam mong importante samin 'tong championship na 'to! Ngayon kung wala kang pakelam dito, wag mo kong idamay!" medyo napalakas yung pagkakasabi ko kaya bigla syang natigilan.
"I-I'm sorry--"
"It's okay Jules. Sorry din kung makulit ako. It's just that. Uh, nevermind. Di naman importante" malungkot na sabi nya.
"May okasyon ba?"
Malungkot lang syang ngumiti sakin sabay labas ng condo.
Naiwan naman akong nag-iisip. Hindi naman nya birthday, lalong hindi ko naman birthday. Oh well, baka gusto nya lang akong makasama. Pero tulad nga ng sabi ko, busy ako ngayon at wala ako sa mood na makasama sya.
Nakakaguilty pero hindi ko rin alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko.
Ano nga bang nangyayari sa'yo Julie?"
-END OF FLASHBACK-
Huli na nung naisip ko kung anong okasyon ng araw na yon. 2nd year anniversary pala namin. Hindi ko alam kung bakit nawala sa isip ko. Kung hindi lang sana--hay.
"Nakakapagsisi ba?" nagulat ako nang biglang may magsalita sa tabi kaya agad akong lumingon.
Malungkot na nakatingin lang sakin si Jobs habang hinihintay yung sagot ko.
"Ang?"
"Ang piliin yung taong GUSTO ka lang, kesa sa taong MAHAL na MAHAL ka" sagot nya na medyo diniinan pa yung ibang words. "Na mas pinili mong saktan yung taong MAHAL mo kesa dun sa taong GUSTO mo lang?"
Hindi ko alam kung papano sagutin yung tanong nya kaya nanatiling nakatingin lang ako sa kanya.
"Masaya ka ba ngayon?" tanong ulit nya.
Hindi ko pa nga masagot yung tanong nya kanina, eto pa yung isang mahirap na tanong. Oo nga Julie, masaya ka ba ngayon?
Sasagot sana ako nang biglang may yumakap sa likod ko. Nakita kong tumaas yung kilay ni Jobs pero hindi ko na lang pinansin. Nakangiti akong lumingon sa taong yumakap sakin sabay halik sa kanya.
BINABASA MO ANG
Slave For You
RomancePapano kung iniwan ka bigla ng Mama mo sa matalik nyang kaibigan? Tapos sinabi nya sayo na wag na wag kang aalis don dahil dun ka nya babalikan? Sabi naman nung mag-asawang kukupkop sayo, wala ka naman daw kailangang alalahanin dahil pwede ka daw tu...