Chapter 10

31.3K 672 126
                                    

A/N : O eto na po, sorry na kung medyo natagalan, naging busy lang po kasi talaga ko. Dapat nga kahapon ko pa gagawin to nung nalaman kong nanalo yung team ni RAD tapos sya yung naging MVP ng buong conference. Grabe, ang galing talaga nya! Kaya mahal na mahal ko sya eh. Excited na kong magstart ulit yung PSL para mapanood ko ulit sya ng live.

Dedicated pala to kay beb DRIFTER_01, pagaling ka beb! pwede nyo din basahin yung story nya, maganda yun, kaso hindi pa lang nya inuupdate hanggang ngayon, hahaha!

Enjoy guys! Di ko ulit inedit ha! kung may mga mali-pasabi na lang ^_^

=============================================================================

JULIE'S POV:

"So, ok na kayo ng kapatid ko?" narinig kong tanong ni JR pagpasok ko sa bahay.

Ok na nga ba kaming dalawa ni Danielle?

Napangiti ako nang maalala yung ginawa ko sa halimaw nung nasa condo kami. Gosh, ang tapang ko pala kanina! Hindi ko akalain na kaya kong gawin yon. Oh well, naakit ako sa lips nya eh. Tapos ang cute pa nyang magdeny na hindi daw totoong mahal nya ko. Akala naman nya maniniwala ako sa kanya? Anong palagay nya sakin, slow? Duh!

"Ehem, parang hindi mo na naman kailangang sagutin yung tanong ko ah. Sa ngiti mo pa lang parang alam ko na agad na may magandang nangyari sa condo ko ah" nakangiting sabi ni JR kaya bigla akong napatingin sa kanya.

"Ok na kami ni Dandan, ok na ok na kaming dalawa" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Good! So uuwi na sya dito?"

Umiling naman ako. Hangga't nandito si Marky, hinding-hindi uuwi yung halimaw dito.

"Kaya nga ako umuwi dito eh, kailangan ko kasing kumuha ng damit at gamit naming dalawa"

"Oh, so dun ka rin muna sa condo magsstay?"

"Yep! Sasamahan ko sya don"

"Pumayag sya?" takang tanong nya.

"Actually, hindi nya alam, pero pag nandun na ko, wala na syang magagawa" nakangiting sagot ko.

"I like you. Gusto ko yang lakas ng loob mo"

"Si halimaw, I mean si Dandan kasi yung pinag-uusapan natin dito eh, gagawin ko lahat para sa kanya"

Lalo namang lumapad yung mga ngiti nito. Grabe, lalaking version talaga sya ni halimaw.

"Gusto ko yang tawag mo sa kanya. Endearment nyo?"

"Di no! Bat naman kami magkakaron ng endearment?"

"Nevermind. Basta masaya ko na sasamahan mo si Dani don. At least hindi na ko mag-aalala sa kanya. Sigurado kong maging masaya ka don dahil ikaw yung kasama nya" sabi pa nya sabay kindat.

Takang napatingin naman ako sa kanya. May alam ba sya tungkol sa nararamdaman ni halimaw para sakin?

"O sya sige na, ayusin mo na yung mga dapat mong ayusin at baka naiinip na yung kapatid ko don. Sigurado kong miss na miss ka na agad non" tukso pa nya.

Papasok na sana ako sa kwarto ko nang bigla akong harangin ni Marky.

"Pwede ba tayong mag-usap baby?"

Tsk! Ilang beses ko bang uulit-ulitin sa lalaking to na wag na wag na nya kong tatawaging baby? Ang kulit lang!

"Wala na tayong dapat pag-usapan Marky"

"Meron, marami. Tungkol sating dalawa"

"Marky, ano ba sa mga salitang 'ayoko na sa'yo' yung hindi mo maintindihan?"

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon