Chapter 11

29.5K 661 84
                                    

A/N: O ayan na, gaya ng pinromise ko sa inyo, dahil nagchampion sila RAD kanina, pinilit kong tapusin tong chapter na to. Woohooo, Congrats Army! Kayo na talaga! Walang makakatibag sa team nyo! Congrats kay RAD dahil sya yung MVP ng buong conference, and congrats din kay Jovz gwapa dahil sya yung Finals MVP! Super love ko talaga kayong dalawa ^__^

Dedicated pa rin tong chapter na to kay beb. Oy pagaling ka ha! Yung fansign ko, wag mong kakalimutan -_- Salamat at pinawi mo ang aking kalungkutan kanina. hahaha!

Enjoy guys! ^__^

========================================================================

DANIELLE'S POV:

"Anong ginagawa nyan dito?" inis na tanong ko kay JR.

May laban kami ngayon dito sa Araneta. Semi-finals vs Airforce. Etong si JR, isinama si Marky, tsk, gusto ba nya talagang masira yung laro ko? Hindi ko pa rin nalilimutan yung pananakit na ginawa nung lalaking yun kay Julie nung isang araw.

"Eh sabi ni mommy at daddy isama ko daw eh. Alangan namang sabihin kong hindi pwede" mahinang sabi nya sakin.

Ano to, natatakot syang marinig ni Marky yung pinag-uusapan namin? Pwes ako, wala akong pakialam kahit marinig nya lahat ng sasabihin ko.

"Paalisin mo sya!" inis na sabi ko.

Nakita ko naman na ngumiti ng nakakaloko sakin ang bwisit kong pinsan.

"Threatened?" nakangiting tanong nito.

"Nah. Tapos na yung lahat sa inyo Marky"

"Pero minahal nya ko"

"Minahal nya rin ako"

"Really? Kaya pala hindi ka nya matandaan"

"Shut up!"

"Why? Dahil totoo yung sinabi ko?"

"I said, shut up Marky!"

"O c'mon Dani, hanggang ngayon ba naman umaasa ka pa rin na matatandaan ka nya? Na mamahalin ka din nya?"

Natahimik naman ako sa sinabi nya. Mamahalin nga kaya ako ni Julie? Maaalala kaya nya na ako yung unang taong minahal nya?

"See? Kahit ikaw, hindi mo kayang sagutin yung tanong ko. So kung ako sayo, maghanap ka na lang ng iba, at hayaan mong maging masaya ulit si baby sa piling ko. Wag ka nang umepal saming dalawa, at wag mo nang balakin na agawin sya sakin"

Bigla namang naningkit yung mga mata ko sa sinabi nya.

"Wow, ako pa yung nang-agaw? Ako pa yung umepal Marky?"

"Oo!"

"Eh talaga palang makapal yung mukha mo eh no? Binabawi ko lang kung ano yung sakin!"

"Pwes, hindi ako papayag na mabawi mo sya sakin"

"Really? Kaya pala mas pinili nya kong makasama kesa sayo"

"Sinasamahan ka lang nya dahil assistant mo sya! At trabaho nya na sumunud-sunod sayo"

"Are you sure about that? Kase sa pagkakatanda ko, sinabi ko kay Kuya na sabihin kay Jules na hindi ko muna kailangan ng assistant pero nagpumilit syang puntahan ako diba? Kahit nandun ka sa tabi nya nung mga panahong yon" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Napilitan lang sya"

"Napilitan huh? Kaya pala nung isang araw lang, sinaktan mo sya para lang hindi ako puntahan"

"So nagsumbong pala sya sayo" walang ganang tanong nito.

Bigla kong nakuyom yung palad ko dahil sa reaksyon nya. Bwisit sya! Parang wala lang sa kanya yung pananakit nya kay Jules ah!

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon