A/N: Ola! Sabi ko naman sa inyo eh, may kasunod yung kanina, mas walang wenta nga lang, hahaha! pagtyagaan nyo na lang, at least meron diba?
Gusto ko palang idedicate 'to sa isa sa aking mahal na kaibigan, kay Yang Sioopaoo, charot! Ayan, wala pa rin dyan si Reya ha, ay meron pala, nung bandang huli lang, hahaha!
O sya, okay na siguro 'to, basta hindi ko ulit inedit, kayo na bahala kung babasahin nyo o nde. Charot! hahaha! Enjoy! CIAO!
===================================================================
JULIE'S POV:
"Hmm, mukhang masarap yan ah! Kaya pala ang ganda-ganda ng gising ko eh" I just rolled my eyes nung narinig ko syang nagsalita. Oo nga pala, may kasama na nga pala ulit ako dito sa condo. Ugh! Bakit kasi pumayag-payag pa 'ko eh!
Titikman na sana nya yung niluto kong ulam nang bigla kong hampasin yung kamay nya.
"Aray ko naman! Masakit yon ha!" reklamo nya sabay ihip sa kamay nya.
"OA ka! Hindi malakas 'yon!"
"Bakit ba lagi mo na lang akong sinasaktan Julie?" pa-kawawang sabi nya.
Pero ouch ha! Double-meaning yata 'yon. Oo na, ako na lang lagi yung nananakit sa kanya. Hay. Pero hindi ko naman ginusto yon eh. Minsan lang talaga, hindi maiiwasan yung konting landi sa katawan diba?
"O natahimik ka? Wala akong ibang ibig sabihin don ha! Yung pisikal na pananakit yung tinutukoy ko!" sabi pa nya ng mapansin na hindi ako nagsasalita.
"Kumakain ako diba? Alam mong hindi ako nagsasalita pag kumakain ako" sabi ko na lang.
"Weh? Hindi ka naman kaya ganyan noon. Minsan nga, kung anu-ano pang ginagawa mo sakin habang kumakain tayo--"
"Pwede ba Dani!"
"You're so pikon. And ang cute mo pa rin pag napipikon ka. Namamawis pa rin yung ilong mo" natatawa pang sabi nya.
Inirapan ko lang sya at itinuloy yung pagkain.
Napansin ko na kukuha na naman sya sa ulam kaya hinampas ko ulit sya.
"Bakit na naman ba?" reklamo nya.
"Sa'yo ba yan?"
"O akala ko ba hindi ka nagsasalita pag kumakain ka?"
"Eh nangunguha ka ng ulam ng may ulam eh!"
"Ang damot naman nito. Parang titikim lang naman ako. Alam mo naman na favorite ko yang kaldereta diba?"
"O? Hindi ko alam 'yon ah" pagmamaang-maangan ko.
"Asus naman Jules, kunwari ka pa? alam ko naman na niluto mo yan para sakin eh" paghahangin na naman nya.
Hay, bakit ganon? Parang walang nangyaring kung ano saming dalawa kung makaasta sya ng ganito? Ganun ba talaga pag nakamove-on na? Nagagawang biro na lahat? So saming dalawa, mas ako yung hindi nakamove-on kahit ako naman yung naging dahilan kung bakit kami nagkahiwalay?
"Para dyan lang yung ingredients na nasa fridge kaya yan yung niluto ko" sabi ko na hindi tumitingin sa kanya.
Nagulat ako nang bigla syang tumayo at binuksan yung fridge at pagkatapos ay nakangiting lumapit sakin.
"Really?" sabi nya sabay turo sa iba't-ibang ingredients sa loob nito.
"Uh, eto na lang kasi yung hindi ko nailuluto ngayong linggo" painosenteng sabi ko pa.
Tumango-tango sya habang sinasarado yung fridge.
"Okayyyyy! Sabi mo eh" sabi pa nya na halatang hindi naniniwala sa sinabi ko. "So pwede ba 'kong makahingi dyan sa ulam mo?"
BINABASA MO ANG
Slave For You
RomancePapano kung iniwan ka bigla ng Mama mo sa matalik nyang kaibigan? Tapos sinabi nya sayo na wag na wag kang aalis don dahil dun ka nya babalikan? Sabi naman nung mag-asawang kukupkop sayo, wala ka naman daw kailangang alalahanin dahil pwede ka daw tu...