Chapter 17

27.9K 599 36
                                    

A/N: O eto na, matigil lang kayo sa pangungulit nyo. Walang sisihan kung sabaw to ha! Bahala na si Batman, hahaha!

Dedicated pala to sa friend kong nagbbday ngayon :) happy bday Kang!

O hindi ko ulit inedit, kung may mga mali man, saka ko na sya aayusin, hahaha!

ENJOY guys!

================================================================

JULIE'S POV:

"Seryoso ka dyan sis?!!" hindi makapaniwalang tanong ni Krissa.

Yeah, nakwento ko nga sa kanya yung nangyari kagabi kaya eto, hindi sya makapaniwala na kaming dalawa na nga ni Danielle. Oh well, sino ba naman kasing maniniwala? Unang-una, pareho kaming babae, at pareho kaming straight ( yata), pangalawa, pareho kaming nagkaron ng boyfriend, at pangatlo, alam nitong si Krissa kung gano kalaki yung galit namin ni Danielle sa isa't-isa. Kaya naiintindihan ko naman yung OA na reaction ng bestfriend ko.

"Mukha ba kong nagbibiro? At tingin mo gagawin kong biro yung ganyang issue?" seryosong sabi ko sa kanya.

"Pero nung huli tayong mag-usap, sabi mo gusto mong gamitin si RJ para maghiganti kay Danielle diba? Anayare? Bakit biglang naging kayo? Ano to kasama sa plano mo?" tanong pa nya.

Umiling naman ako. Yeah siguro nung una, sa galit ko kay Danielle eh naisip kong maghiganti sa kanya. Pero hindi na ngayon. Sobra ko na syang mahal para maisip ko pang paghigantihan sya.

"M-mahal ko na sya" mahinang sabi ko sa kanya.

"WHAT?!"

"Mahal ko na si Dani. At nawala na sa isip kong maghiganti sa kanya" nakangiting sabi ko sa kanya.

"OWKAY, wait, hindi pa rin kase ko makapaniwala" naiiling na sabi nya.

"Sige lang, pero kumalma ka sis ha."

"Sis, sigurado ka bang mahal ka ni Danielle?" tanong pa nya sakin.

Takang tumingin naman ako sa kanya. Bakit naman nya natanong yon?

"Oo naman sis." Sagot ko sa kanya.

"Hindi mo ba naisip na baka isa din sa plano ni Danielle yan? Yung painlove-in ka sa kanya tapos biglang sasabihin nya na pinlano lang nya lahat pag sobrang mahal mo na sya."

Bigla naman akong natigilan sa sinabi ni Krissa. Plano nga lang ba talaga ni Danielle lahat to? Pinaglalaruan nya nga lang ba talaga yung feelings ko?

Umiling naman ako kay Krissa sabay ngiti.

"Sigurado akong mahal ako ni Danielle. At hinding-hindi nya paglalaruan yung feelings ko." Sabi ko sa kanya.

"Sure ka sis?"

Tumango naman ako.

"Yeah. Ramdam ko kung gaano nya ko kamahal."

Ngumiti naman sya sakin.

"Kung san ka masaya sis, dun din ako. Siguraduhin lang ng Danielle na yan na hindi ka nya sasaktan dahil makakalaban nya din ako."

"Don't worry sis, dahil pag ginawa sakin ni Danielle yun, hinding-hindi mo na sya makikitang buhay, chos lang" nakatawang sabi ko sa kanya sabay yakap.

"I'm happy for you sis. MInsan sama nyo ko sa date nyo para naman makilatis ko yang girlfriend mo"

"Thanks sis. The best ka talaga."

"Pero hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon kasi naman sis, babaeng-babae kayo pareho, at hindi naman kita nakitaan ng pagiging lesbiana, well, isang beses lang pala, nung hinalikan ka nya sa court non" natatawang sabi pa nya.

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon