A/N: Hay sa wakas, natapos ko din tong chapter na to. Pasensya na po talaga kung natagalan, naging sobrang busy lang talaga ko ngayon. sana lang magustuhan nyo tong chapter na to. Labyu guys!
Hindi ko po ulit sya na-edit kaya kung may mga mali po, pakisabi na lang. salamat!
======================================================================
DANIELLE'S POV:
"Congrats hal!" napangiti naman ako nang marinig yung boses na yon. Aw, ang sweet, tinawag nya kong 'hal' baka short for 'mahal'.
And yeah, tulad ng sabi ni Julie, champion nga yung team namin. Oh well, BAU na naman yon, every year kami naman talaga yung nagcchampion. Nakakasawa na nga eh, minsan gusto na lang naming magpatalo kaya lang ganun pa rin eh, nananalo pa rin kame. Joke! Pero seriously, taon-taon, kami yung inaasahan ng mga fans na mananalo kaya nga kahit napapagod kami sa training and practice, ok lang, basta ba hindi namin madisappoint yung fans namin.
And kanina, inannounce na rin kung sino yung MVP ng league. At hindi naman sa pagmamayabang pero expected naman kung sino yung mabibigyan ng award na yon. Sino pa nga ba? Eh isang player lang naman yung UBOD ng galing maglaro ng volleyball dito sa league eh. Hmm, maganda, mabait, matalino, at sobrang galing pa, in short, isa syang perpektong nilalang. Pero hindi ko na lang sasabihin kung sino, ayoko naman kasing masabihan na nagyayabang at nagbubuhat ng sariling bangko e.
"Wow taray, mvp na, champion pa, at ang sweet pa ng girlfriend, may pa-mahal-mahal pa!" si Krissa.
"Huh?" kunot noo namang tanong ng girlfriend ko.
"O diba tinawag mo syang 'hal' sis! Duh! Short for 'mahal' yun diba?"
Nagulat kaming dalawa nang biglang tumawa si Julie.
"Sino ba naman kasing may sabing short for 'mahal' yun! Pwede ba, ang baduy ha!"
"Eh ano bang ibig sabihin non?" takang tanong ko.
"Halimaw, duh!" sabi nya sabay halakhak. Nakitawa naman si Krissa sa kaibigan nya. Grabe o, ang saya nilang magkaibigan.
"Ha-ha, tawa Jules!" pasarcastic na sabi ko.
Akala ko pa mandin nagpapakasweet na sya, hindi naman pala. Saka hello, matagal na kaming ok na dalawa pero halimaw pa rin yung tawag nya sakin, tsk! Ang ganda ko namang halimaw.
"So san kayo magcecelebrate na dalawa? Gusto ko sanang sumama kaso ayoko namang maging third wheel, baka ma-bitter ocampo lang ako!"
"At sino namang maysabi sayo na isasama kita?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.
"Wow Danielle San Jose, hanggang ngayon talaga, suplada at mataray ka pa rin. Kahit ako na bestfriend ng girlfriend mo tinatarayan mo?"
"Sis, wag ka ng magtaka, kung ako nga na girlfriend nya eh, lagi nyang inaaway, kayo pa kaya?" singit naman ni Julie sa usapan.
"Sabagay, kita mo nga yung nangyari last year----"
"Sige subukan mong ipaalala ulit yan Krissa, makikita mo talaga kung gano ko kagaling na spiker" pananakot ko sa kanya.
"Sis o, iispike daw ako" sumbong nito kay Julie.
Sus, kala naman nya natatakot ako sa kanila? Eh natatakot lang naman ako dyan kay Julie kapag hawak-hawak nya yung baseball bat ni Kuya JR.
"Sorry sis, hindi kita matutulungan dyan ngayon, wala sakin yung secret weapon ko eh." Narinig kong sabi ni Julie.
See? Sabi ko naman sa inyo eh, matapang lang sya kapag nasa kanya yon. Pero pag wala, tiklop sya sakin. Ano pa't ako si Danielle San Jose kung hindi naman nila kakatakutan.
BINABASA MO ANG
Slave For You
RomancePapano kung iniwan ka bigla ng Mama mo sa matalik nyang kaibigan? Tapos sinabi nya sayo na wag na wag kang aalis don dahil dun ka nya babalikan? Sabi naman nung mag-asawang kukupkop sayo, wala ka naman daw kailangang alalahanin dahil pwede ka daw tu...