Chapter 2

35.9K 711 94
                                    

A/N: At dahil inspired ako ngayon natapos ko agad yung chapter na to. Kamusta naman kasi na habang sinusulat ko to, pinapanood ko yung laban ni RAD my labs. Grabe, ang galing-galing talaga nya, nakakainlove ng bongga! Mahal ko talaga si Rachelle Ann Daquis. At dahil dyan, sya yung inisip kong si Danielle sa story na to. Bagay na bagay sa kanya yung character na yun. Maldita pero sweet. Gusto ko na ulit syang makita. I love you I love you I love you talaga RAD. 

Well, sana lang nababasa nya to. hahahaha! 

O sya, ienjoy nyo na lang tong chapter na to. Labyu guys! 

=============================================================

JULIE’S POV:

“Of course mom, I missed her, namiss ko yung bestfriend ko” nakangiting sabi nung monster sabay tingin sakin.

Ang plastik lang! Alam naman naming dalawa na hindi totoo yon dahil habang nakangiti sya at matalim pa rin yung tingin nya sakin. At kung nakakasugat lang yung talim ng tingin nya, kanina pa siguro ko nasa emergency room.

At ako naman? Kanina pa rin ako nagpipigil dito. Gustung-gusto kong sabihin sa kanila na hindi na lang ako dito titira. Na pag bumalik si Mama dito, sabihin na lang nila na nandun ako sa bahay nila Krissa. Kaya lang naisip ko, masyadong mababait sina Tita Catherine at Tito Daniel at alam kong masasaktan sila pag tinanggihan ko sila.

Eto lang namang bruhang lukaret na pangit na monster yung problema ko eh. Alam kong may pinaplano na naman sya na hindi maganda base sa mga tingin at ngiti nya. Kung may superpower ako, gusto ko yung nakakabasa ng isip ng tao, para alam ko kung ano na naman yung gustong mangyari ng babaeng to.

“Oh and Dani, since nagresign na naman yung huli mong assistant, okay lang ba kung si Julie na lang yung pumalit sa kanya?” narinig ko pang tanong ni Tito Daniel.

Oh no! Please say no, please say no, please say no.

Nakita kong tumingin muna sakin si Danielle. Agad ko naman syang sinenyasan na wag pumayag. And poof, ayun na naman yung nakakatakot na ngiti nya. I’m dead. So dead.

“Oo naman dad! Wow, I’ve never been this happy” ang galing umarte nitong bwisit na to. Akala mo isang inosenteng anghel sa harap ng parents nya.

“So hindi mo sya tatarayan at susungitan?” tanong naman ni Tita Catherine.

“Of course not Mom! Why will I do that? She’s my BESTFRIEND, remember?” sabay ngiti ng matamis. 

Aish! Kung hindi ko lang talaga kilala tong babaeng to, malamang napaniwala na rin nya ko na excited nga sya at gustung-gusto nya kong makasama.

“O sabi ko naman sayo Julie eh, mabait yang anak namin. Sana talaga bumalik yung closeness nyo gaya nung mga bata pa kayo” nakangiting sabi sakin ni Tita Catherine.

Pilit naman akong ngumiti sa kanya pero hindi sumagot. Anong sasabihin ko? Alangang sabihin kong, oo nga po Tita, ang bait-bait ng anak nyo, sana nga po kunin na sya ni Lord no? As in now na!

Naku naman Mama, kung alam ko lang na ilalapit nyo pala ako dito sa babaeng kakambal ata ni Lucifer eh di sana tinggap ko na lang yung alok ni Krissa na sa kanila na lang tumira.

“Ok lang naman siguro sayo yun hija no? Pansamantala lang naman” nakangiting tanong ni Tito Daniel.

Ang alin? Oo na lang Julie, baka tungkol lang yan sa pagiging assistant mo. Baka isipin nilang hindi ka nakikinig sa pinag-uusapan nila.

“Oo naman po Tito, ok lang naman po sakin yun. Basta okay kay dalandan, este, Danielle.” Nakangiting sabi ko.

Nakita ko naman na tumalim na naman yung tingin sakin ng monster pero agad ding ngumiti nung humarap sa parents nya.

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon