Chapter 35

13.8K 430 77
                                    

A/N: Woot! O ayan dahil nabitin kayo dun sa huling update, bibitin ko ulit kayo dito. hahahaha! Pasensya naman. Buti nga may naiisip pa akong iupdate eh. At dahil namiss ko din si Dani, feeling ko medyo matutuwa kayo sa update na 'to (or mas mabibitin) hahahaha!

Sa mga humihingi ng POV ni Dandan, sumandali lang kayo kase hindi pa rin sa kanya 'to. Hindi ko alam kung kelan yung sa kanya. Charot! Hahaha! Basta hintay lang kayo okay?

O sya, alam kong atat na kayong mabasa 'to so eto na. Enjoy.


================================================================


JULIE'S POV:

"Sis okay na, malayo na si Dani, pwede ka ng magmulat." Natatawang bulong sakin ni Krissa.

Unti-unti ko namang iminulat yung mga mata ko. Ugh! Kilalang-kilala talaga ko nitong bestfriend kong 'to.

"H-ha?" painosenteng tanong ko.

"Hoy sis, kumita na yang himatay-himatayan na yan. At hindi hindi ka naman hinihimatay no! Kaya alam kong umaarte ka lang! Kaloka ka, pasalamat ka nasalo kita, kung nde, baka bumagsak ka kanina sa sahig!"

"Eh kase sis-"

"Alam ko, kahit ako nga napatulala kay Danielle kanina. Grabe, mas gumanda sya ngayon no? Pag inlove talaga gumaganda"

"Inlove?"

"Ay sus, hindi mo ba narinig si Jobs kanina? Diba nga yung bagong player na papasok yung fiancée nung anak ni Mr. Tan, sino lang ba yung kakapasok lang na player sa team?"

Bigla naman akong napaupo sa sinabi nya.

"Ikakasal na si Dani?"

"Malamang, may fiancé eh. At in fairness, ang gwapo. Dumating kanina, kaso umalis din agad. Kasama nyang dumating yung bagong assistant coach. In fairness maganda din sya. Bawal talaga yung pangit sa team na 'to no? Well, except kay coach!" tatawa-tawa nyang sabi.

"Ah ganun ba Krissa? Sige, 50 laps ha, wag kang titigil hangga't hindi mo tapos yon!" bigla namang nanlaki yung mata ni Krissa ng marinig yung boses ni coach. Hala, taklesa din kase, huli tuloy. Hahaha!

"C-coach, nandyan ka pala, ikaw naman hindi ka na mabiro. Alam mo namang ikaw yung pinakagwapo sa lahat diba? Malamang joke lang yung sinabi ko. Wag mong seryosohin"

"Talaga? Naniniwala kasi ako na jokes are half meant eh. Hala sige tayo dyan. 50 laps!" utos ulit ni coach dito.

"Coach naman eh"

"O gusto mong dagdagan ko pa?"

"Eto na po. Tatakbo na" nakasimangot na sabi ni Krissa bago magsimulang  tumakbo.

Nakangiti namang lumapit sakin si coach.

"Okay ka na ba Julie?" nag-aalalang tanong nito.

Nakangiti naman akong tumango dito.

"Sure ka?"

"Oo naman po."

"Okay lang na naghiwalay kayo ng pamangkin ko dahil sa team tapos ngayon makakasama mo pa yung ex girlfriend mo?" tanong pa nya.

Wow ha, hindi rin naman chismoso 'tong si coach no? Andami nyang alam eh.

"Hmm, maaayos naman po siguro namin ni Rei yung nangyari kanina. Papalamigin ko lang po yung ulo nya bago ko sya kausapin. And yung kay Danielle naman po, wala naman pong problema sakin, dapat po professional tayo diba? Para sa team and para sa Pinas" nakangiting sagot ko.

"Good. So pwede ka na bang magtraining ulit ngayon? Kulang kasi ng isa yung team na kalaban nila Dani eh. Si Krissa sana kaso ayun pinapatakbo ko"

Tumingin muna ako kay Dani na kanina pa pala nakatingin din saming dalawa ni coach. Akala ko ngingiti na naman sya tulad nung ginawa nya kanina pero nagulat ako ng bigla nya 'kong irapan. Whoa! Parang bumalik yung dating Danielle na nakilala namin. Hala, kung ganun nga, lagot ako ngayon. Wag naman sana. Namalikmata lang siguro ako sa irap na yon.

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon