A/N: O eto na guys, bahala na si Batman dito sa chapter na to, wala talaga kong maisip eh. Bawi ako next update. At dahil medyo maiki lang to, iikilian ko lang din yung A/N dahil baka may magreklamo na naman na mas mahaba pa yung note kesa sa story mismo, hahahaha! Charot!
Di ko inupdate so bahala na kayong umintindi, enjoy guys!
================================================================
JULIE'S POV:
"Sis ha, ang aga-aga nambubulabog ka! Siguraduhin mong importante yang sasabihin mo ha!" inis na sabi sakin ni Krissa nang pagbuksan nya ko ng pinto.
4am pa lang kase. Gusto ko kasing pumunta sa palengke and mamili ng mga kakailangan ko para mamaya. Ilang araw ko din kasing pinagplanuhan to, gusto ko, maging memorable yung 1st monthsary namin. Yeah yeah, hindi naman talaga uso yan, pero bakit ba, gusto ko eh, gusto kong icelebrate yung unang month namin ng Dani ko. Gusto kong maging masaya sya sakin para hindi nya maisipan na palitan ako. Gusto ko ako lang yung nakikita nya. Uh, mukhang lumalayo na tayo sa usapan, nagiging corny na ko.
"Uh, sis, magpapasama kase kong mamalengke sayo eh" nakangiting sagot ko naman kay Krissa.
"Ano?! Mamalengke? Ginising mo ko ng sobrang aga para mamalengke?" medyo malakas na sabi nya. Galit yata?
"Ano kase, alam mo naman na hindi ako marunong mamalengke diba? Alam mo naman na si Mama yung laging gumagawa non dati. Saka diba sanay ka sa palengke kase lagi kang sinasama ni Tita don?" nakangiti pa ring sabi ko.
"Gosh Julie! Nakakastress ka! Kung hindi ka pala marunong mamalengke eh di sa supermarket ka na lang mamili! Antok na antok pa ko o!" sabi nya sabay turo sa nakapikit pa nyang mata.
"Eh, ayoko sis. Gusto ko fresh yung iluluto ko mamaya eh"
"Iluluto?"
Kinikilig na bumulong naman ako sa kanya.
"Sis, 1st month anniversary kasi namin ngayon!" excited at kinikilig na sabi ko.
"1st month anniversary? Sis, sinecelebrate ba yan?"
"Oo naman! Mansari nga tawag dito diba?"
"Julie, Julie, Julie. Yang mga mansari na yan eh para lang sa mga magkarelasyon na hindi umaabot ng taon" natatawang sabi nito.
Bigla naman akong napasimangot sa sinabi nya.
"Grabe ka naman sis! Ang nega naman! FYI, aabot kami hanggang 100 years ni Dani no! Sigurado ko dyan!"
"Sus, 100 years daw! Wag ka nga! Pustahan tayo, mga ilang months lang kayo nyan. Isa sa inyo yung maiinlove sa iba" pang-iinis pa nya.
Ugh! Nakakainis ha! Kung hindi ko lang talaga kailangan ng tulong nya, eh kanina ko pa siguro sya winalk-outan! Kahit kelan, wala saming maiinlove ni Dani sa ibang tao. Itaga nila yan sa bato! At hinding-hindi ako papaya na maagaw si Dani ng iba sakin.
Inirapan ko lang sya at hindi sumagot. Ayoko ng humaba yung usapan namin kase alam kong mag-aaway lang kami. At ayokong mangyari yon kase ayokong masira yung araw ko. Gusto kong maging masaya ngayong araw na to.
"O joke lang yon ha! Alam ko yang mga tingin na ganyan. Napipikon ka na no?" natatawang sabi pa nya.
Hah! May gana pa syang tumawa eh nakita na nyang nasaktan ako sa sinabi nya! Tumingin lang ako sa kanya nang hindi pa rin nagsasalita.
"Fine! Sasamahan na kita. Maliligo lang ako." Naiiling na sabi nya dahil hindi pa rin ako sumagot.
Nagkibit-balikat lang ako. Naiinis pa rin ako sa sinabi nya. Biruin na nya ko ng tungkol sa kahit ano, wag na wag lang tungkol sa paghihiwalay naming dalawa ni Dani.
BINABASA MO ANG
Slave For You
RomancePapano kung iniwan ka bigla ng Mama mo sa matalik nyang kaibigan? Tapos sinabi nya sayo na wag na wag kang aalis don dahil dun ka nya babalikan? Sabi naman nung mag-asawang kukupkop sayo, wala ka naman daw kailangang alalahanin dahil pwede ka daw tu...