Chapter 1

44.3K 763 35
                                    

A/N: O eto na po yung pinangako kong first chapter ng story na to. Hindi ko po sure kung magugustuhan nyo kase unang chapter pa lang naman, wala pang cheverlu na mangyayari, pero don't worry, nagkita na ulit sila dito. hahaha! 

Gusto kong idedicate tong story na to sa super crush kong si Rachel Ann Daquis, sya kasi yung inspirasyon ko nung nag-iisip ako ng bagong story. 

I LOVE YOU RAD *heart heart* 

P.S. Pakitulungan po ako sa cover ng story na to. hahahaha! Salamat. Mahal ko kayong lahat. 

============================================================

JULIE’S POV:

“NO! hindi to totoo!” malakas na sabi ko matapos basahin yung sulat na iniwan ni Mama.

Hindi ako iiwan basta-basta ng Mama ko. Nananaginip lang ako. Hindi totoo to! Pilit kong sinasampal yung sarili ko dahil umaasa akong magigising ako sa bangungot na to, pero wala eh, ang pula-pula na ng pisngi ko pero hawak-hawak ko pa rin tong sulat na to.

Noon lang bumuhos yung mga luha ko. Hindi ko alam kung dahil sa sampal o dahil hindi ako makapaniwala sa nangyari, na inabandona ako ni Mama. Kagabi lang katabi ko pa syang matulog. Masaya pa sya kase nakagraduate na ko, makakatulong na ko sa kanya sa pagtatrabaho.

Pero bigla nya akong iniwan. At ang masama pa nito, kailangan kong tumira sa bahay nung kaibigan nya. Hindi daw nya kasi nabayaran yung rent dito sa apartment kaya kailangan ko na daw umalis sa lalong madaling panahon. Mamaya daw, susunduin na ako dito nung driver ng kaibigan nya. Sabi pa nya, wag na wag daw akong aalis sa bahay ng mga ito dahil dun daw nya ako babalikan.

Nanghihinang napaupo na lang ako sa sahig. Hindi ko alam kung anong nangyari, kung bakit ako nag-iisa ngayon at kung bakit umalis si Mama ng walang paalam.

Nasa ganung posisyon ako nang biglang bumukas yung punta. Nag-aalalang mukha ni Krissa yung nabungaran ko. Agad nya akong nilapitan at iniupo sa sofa.

“Sis anong nangyari? Bakit bigla kang sumigaw? At bakit ka umiiyak?” sunud-sunod na tanong nya.

Umiiyak pa rin na inabot ko sa kanya yung iniwang sulat ni Mama. Halos nanlaki din yung mata nya habang binabasa yung sulat. Pagkatapos basahin ay malungkot na iniabot nya ito sa akin.

“Gusto mo sis, sa bahay ka na lang muna?” sabi pa nya.

Umiling-iling naman ako.

“Sis, gusto ni Mama dun muna ako tumuloy sa bahay nung kaibigan nya. Ayokong magalit sya sakin pag nalaman nyang hindi ko sya sinunod” naiiyak pa rin na sabi ko.

“Pero hindi mo sila kilala, papano mo sila papakisamahan?”

“Hindi ko alam pero sabi ni Mama, mababait naman daw sila at may anak daw silang babae at lalaki na naging kaibigan ko daw nung bata ako. Naging bestfriends pa nga daw kami nung anak nilang babae eh”

“Ah so kilala mo sila?”

“Hindi eh, wala din akong matandaan sa sinasabi ni Mama. Pero bahala na. Kung eto yung gusto nya, susundin ko na lang. At umaasa ako na babalikan nya agad ako doon.”

“Basta sis kung hindi ka welcome don, tawagan  mo lang ako, sa bahay ka na lang muna, ok lang naman kay mommy and daddy kung dun ka titira eh” nakangiting sabi nya.

Agad ko naman syang niyakap.

“Salamat sis ha! The best ka talaga. Buti na lang talaga ikaw yung naging bestfriend ko”

“Oo bestfriend mo na bigla mong iniwan sa ere” biro nito.

“Sis, hindi naman ikaw yung tinalikuran ko eh, yung paglalaro lang ng volleyball” sabi ko sa kanya sabay pisil sa ilong.

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon