Epilogue

19.9K 585 102
                                    

A/N: Woot woot! Eto na yun eh. Epilogue na. Last part. Ang huling paalam ni Julie at Dani. Charot! Haha. Pero seryoso, sobrang salamat sa lahat ng nagbasa, bumoto at nagkomento sa istoryang 'to. Pasensya na kung medyo natagalan pero at least, natupad ko yung promise ko na tatapusin ko 'to. Pero hindi ko naman sinabing gagandahan ko yung ending diba?

Pero sana nagustuhan nyo 'tong mumunting istorya na nakayanan ng aking utak at imahinasyon. Maraming salamat sa inyong lahat.

Dedicated pa rin 'to kay V.

At hanggang sa huli, hindi ko pa rin inedit. Haha.

====================================================================

JULIE'S POV:

"Babe! Yoohoo, bakit ang tagal mo dyan sa banyo? Natatakot ka ba sakin? Wag kang mag-alala, wala akong gagawin na hindi mo magugustuhan." narinig kong sigaw ni Dani na kanina pa naghihintay sa labas.

Naiiling na nangingiti lang ako dito sa loob ng comfort room. Ano kayang magiging reaction nya pag sinabi ko sa kanya yung problema namin ngayong gabi? Parang nakikini-kinita ko na yung magiging itsura ni Dani mamaya.

Btw, sa mga nagtatanong or kahit ayaw nyong malaman, kinasal na kami kanina ni Danielle San Jose. Medyo nagtalo lang kami kanina kung kaninong surname yung gagamitin naming dalawa. Aba mas gusto ko naman na yung surname ko diba? At least isang word lang. Sabi naman ni Dani, yung sa kanya na lang daw kase mas madaling i-spell and hindi daw mahihirapan yung mga anak naman pag nagkataon, at isa pa, di hamak na mas sikat naman daw yung surname nya kesa sa surname ko. Eh di wow, kahit hanggang ngayon, ang maldita pa rin nya at minamaliit nya pa rin ako, tsk. Same old Dani. At dahil walang gustong magpatalo saming dalawa, sinabihan na lang kami ni Jobelle na magkara-krus na lang daw para matapos na. Napansin din kasi namin na medyo nakasimangot na yung ibang tao sa simbahan eh. Hindi ko alam kung gutom na ba sila o naiinis sila na hanggang ngayon, nagbabangayan pa rin kami ng halimaw.

Nung una, ayaw pang pumayag ng halimaw pero nung sinabi ko na bahala sya, hindi matatapos yung kasal at hindi kami makakapaghoneymoon agad, aba dali-daling nagpahanap ng coin na gagamitin. At dahil eksperto ako sa kara-krus nung bata pa ako, sigurado akong ako yung mananalo. Kaso hindi ko alam na ubod pala ng daya nung halimaw na nasa harap ko ngayon, ayun natalo ako.Wala na akong nagawa nung sinabi na nung nagkasal samin na Mrs. and Mrs. San Jose. Okay na rin, at least ako pa rin 'babae' sa relasyon na 'to. Ibig sabihin, ako yung BATAS sa relasyon na 'to, hah!

Speaking of Jobelle, hindi naman sya namatay nung tinangka kong sakalin sya ng bongga dahil sa ginawa nya saking pagpapahiya. Aba hindi nya alam kung ano yung feeling na pag-usapan ka ng buong mundo dahil sa kashungahan na ginawa mo. Try kaya nyang magdrama sa harap ng maraming tao sa pag-aakalang yung mahal mo yung ikakasal. Pasalamat yang Jobelle na yan at nakiusap sakin yung bestfriend ko na ayaw nyang mabyuda ng maaga dahil kung hindi lang, uuwi syang nakakahon talaga sa Pilipinas.

In fairness kay Mama, nandito din sya sa wedding of the century at kasama nya yung napangasawa nya. Nagkatinginan pa nga kami ni Krissa nung nakita namin si 'daddy yow' daw. Para kasing isang ihip na lang ng hangin, lalagutan na sya ng hininga. Parang lolo na sya ni Mama. Pero sabi nga ni mama, mabait naman daw sa kanya si daddy yow kaya gora na lang daw sya. Hindi ko na rin sila masyadong kinausap dahil parang mauubusan na ng dugo si mama habang nag-eenglish. Pero masaya naman ako na nakasama ko ulit si Mama after ng mahabang panahon na pang-iiwan nya sakin.

Present din sa kasal syempre sila Tita Catherine, Tito Daniel, at JR. Tuwang-tuwa nga sila dahil sa hinaba-haba nga naman daw ng prusisyon, kaming dalawa pa rin daw ni Dani yung nagkatuluyan. Masaya din naman ako dahil tinanggap pa rin nila ako sa kabila ng ginawa ko sa pinakamamahal nilang baby girl. Sabi nga nila, hindi na importante yung nakaraan, ang importante daw yung ngayon, at sa akin daw masaya si Dani kaya sino naman daw ba sila para humadlang diba?

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon