Chapter 69

66 1 0
                                    

  W A R N I N G : 🔞  
           Please be advised that this chapter is not suitable for readers below 18 years old.        

              ~~~~~~~~~~~~~~~~~~

                          JAZLEEN
I WOKE UP without Vlad by my side. Nagtuloy-tuloy na ang tulog ko kagabi sa tabi niya pero wala na siya ngayong umaga.

Nasaan naman kaya 'yon? Ayos na ba ang pakiramdam niya.

Saglit ko munang inayos ang buhok ko tsaka lumakad patungo sa pinto pero hindi pa man ako tuluyang nakakalapit doon ay bumukas na ito at iniluwal nito si Vlad na may dalang tray ng pagkain.

"Good morning, hon."

He smiled and kissed me on the lips.

"Good morning. Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

Marahang hinaplos nito ang buhok ko gamit ang isa niyang kamay.

"Kahapon pa po maayos ang pakiramdam ko. Paano naman ako hindi magiging ok kung nandito ka sa tabi ko?"

Chume-cheesy na talaga itong asawa ko. I like it!

Pigil ang kilig na naglakad ako patungo sa banyo para maghilamos at siya naman, ay nilapag na ang dalang pagkain sa center table.

"Did you sleep well?"

Tanong niya nang makalabas ako sa banyo. I nodded making him smile.

"That's good. Mabuti naman at nakapagpahinga ka."

"Yeah, I feel so much better now. Pakiramdam ko kayang-kaya ko nang tumumbling."

Pilyo itong tumawa habang inaayos ang mga pagkain.

"Talaga?"

Kinunutan ko siya ng noo nang mapansin ang mukha nitong halatang may kung anong naiisip.

"Magaling ka na nga."

Saad ko tsaka nagsimula nang kumain. It felt like it's been years since I had my last meal with him. Now, I'm thankful and really happy na kasabay ko ulit siyang kumain ngayon.
Kakaibang saya ang nararamdaman ko habang kumakain. We talked about a lot of things—our plan for our future specifically.

"Nga pala, mamaya bibisita tayo  kila Tay Kulas. Sobrang nami-miss ka na ni Eve."

Kaagad na tumalon ang puso ko sa narinig. Mahigit isang linggo ko na ring hindi nakikita ang batang 'yon eh. Sana naman ay makita ko na rin si Hope.

"Miss ko na rin sila sobra. Mabuti naman ngayon at okay na ang lahat. Mabibisita na rin natin sila."

"Yup. It was a traumatic experience for them. Akala ko isa-isa silang aalis dito kaya masaya ako makitang nandito pa rin sila at buo ang tiwala sa atin. They were actually so happy to see me early this morning."

Matamis akong napangiti sa naturan nito. Mabuti naman at hindi nila kami iniwan. They were traumatized by those bad vampires and I'm moved to know that they stayed even after finding out the truth about us.

"Anong oras tayo dadalaw para makapaghanda na ako."

"After we eat breakfast. Nagluluto sila Itay Kulas doon ng tanghalian. I gave them one week rest para naman makapag-relax sila."

Aww.. My man is so rare. Sobrang mahal nito ang mga tauhan niya rito. Sa totoo lang hindi mga trabahador ang turing niya sa mga ito kundi pamilya.
He would always make sure that they have all the things they need and that children will have proper education. He always make sure that they're in good health by having them frequently checked. That's why these lovely people love him so much.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Vampire Series #1: Total Stranger Where stories live. Discover now