Chapter 27

385 26 2
                                    

                     JAZLEEN

NAPABUNTONG-HININGA ako habang inaayos ko ang sarili ko sa salamin. Tatlong araw na akong namamalagi rito sa silid ni Vlad.
Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya akong palabasin. Dalawang araw na akong magaling pero hindi parin niya ako pinapalabas. Baka raw kasi magkalagnat ulit ako kapag lumabas ako ng silid.tch.

Palagi niya lang akong hinahatiran rito ng pagkain dahil nga ayaw niyang lumabas ako rito. Naiilang na ako lalo na kapag gabi! Nagpapasalamat ako dahil hindi niya ako pinagsasamantalahan.

Hey Jaz, may I remind you, he already took your first kiss.

Anang munting tinig sa isip ko. Nasapo ko ang ulo ko dahil sa naalala. Ilang araw ko na itong iniisip.
Vlad took my first kiss. I felt so bad....nangako kasi ako sa sarili kong gagayahin ko si lola. Ibibigay ko lang ang first kiss ko at ang pagkababae ko sa lalaking iibigin ko.
Aarrgh! How dare you Vladimir! You just took my first kiss!

Noong gabing pag balik niya,sinampal ko siya dahil doon lang ako nakabawi mula sa pagkakabigla. Nang matapos ko siyang sampalin, nainsulto ako nang akmang sasabihin ko sa kaniya na napakahalaga ng kinuha niya sakin nang bigla itong lumabas ng kwarto at 'di na bumalik.tch.

Palagi siyang nang-iiwan at palagi niya akong kinukulong rito! Inip na inip na ako!
Sa gabi, magkatabi kaming matulog pero nilalagyan niya ng patong-patong na unan ang gitna ng kama para magsilbing harang namin.

Sobrang nakakabagot na rito! Sa paggising ko sa umaga, hahatiran lang niya ako ng pagkain tsaka kukuhanan niya ako ng damit sa kwarto ko tapos iiwanan niya na ako ulit dahil marami pa raw silang misyon na dapat tapusin. As if I care! Haiiisst!

Halos mabaliw na ako rito sa kwarto niya. Wala akong makausap! Kapag dumadating naman siya ay tatapunan lang ako ng tingin, maliligo o paminsan-minsan ay tatanungin ako kung nagugutom ako. Hindi manlang ba niya ako tatanungin kung nababagot na ako rito sa loob?!

Ginulo ko ang buhok ko habang nakatingin sa salamin.

"Dito na yata ako mamamatay.."

Naiiyak na saad ko. Mas lalong gumusot ang mukha ko nang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Vlad na pawis na pawis. Hinubad nito ang jacket na suot tsaka itinapon sa sofa.

Emeged....Eng het nye eh...haiisst! erase-erase! Anong hot ka diyan?!

"Ba't nakasimangot ka?"

Inirapan ko lang ito tsaka naglagay nalang ng lotion sa binti.

"Nagugutom ka ba?"

Masama ang mukhang nilingon ko siya.

"Hindi mo manlang ba ako tatanungin kung nababagot na ako rito?!"

Tinapunan ako nito ng tingin bago hinubad ang suot niyang sapatos.

"Alam kong bagot na bagot ka na rito kaya hindi kita tinatanong. No need to ask. "

"Palabasin mo na kasi ako rito!"

Huminto ito sa paghuhubad ng sapatos tsaka tuningin sakin.

"How many times do I have to tell you that I don't want to hear those words from you?"

Tumayo ako tsaka padabog na pumasok ng CR.

Wala akong gagawin sa CR. Ayoko lang talagang makita ang pagmumukha ng halimaw na 'yon. Palagi siyang feeling boss. Palagi akong inuutusan kung ano ang dapat kong gawin! Haiisst!

"What are you doing in there?"

Rinig kong tanong niya mula sa labas ng pinto.

"Kung ayaw mo akong palabasin rito sa kwarto mo, magpapakamatay nalang ako!"

Vampire Series #1: Total Stranger Where stories live. Discover now