JAZLEEN
KASALUKUYAN akong nakaupo ngayon sa couch,hinihintay sila dahil ngayon na kami aalis sa bahay na 'to. Abala sina North at Deshawn sa pag-iimpake nila ng mga mahahalagang gamit na dadalhin. Andami nilang mga high-tech na mga kagamitan na ngayon ko lang nakita. Nakapanghihinayang lang 'yong ibang gamit na sinira nila,mukhang mamahalin pa naman. Napatitig ako sa iilang mga baril at mga bagay na pandigma nila. Napangiti ako nang maalala ang mga araw na sinasanay pa lang ako ni Vlad. Tinuruan niya rin akong gumamit ng iilang baril. Haayy...Mamimiss ko ang bahay na 'to.
Dahil sobrang nabo-bored ako, tumayo ako at inayos ang ilang gamit namin ni Vlad sa isang box. Pagkatapos ng ginawa ko, sinilip ko sila sa silid ni Top. Abala roon sina Mad and South sa pag-aasikaso kay Top na hindi pa rin nagigising hanggang ngayon.
"Need help?"
I asked as I walk inside.
"No,we're fine here. Didn't Vlad told you to take a nap?"
Napanguso ako sa tanong ni Southern.
Oo nga pala,sinabihan ako ni Vlad na matulog muna para hindi raw ako mapagod mamaya."Gusto ko sanang tumulong."
"No,you need to rest. It's late in the evening."
Saad naman ni Mad habang inaayos ang gamit ni Top.
"Hindi rin naman ako makatulog e kaya tutulong nalang ako."
"Mamaya mayari tayo kay boss niyan
Baka isipin ng isang 'yon na pinapagod ka namin."Pabirong saad ni South sa akin.
"I insist. Hindi 'yon magagalit."
Sabay silang nagkibit-balikat. Kaagad akong lumapit kay Mad at tinulungan siyang ayusin ang iilang kagamitan ni Top. Nilagay namin sa malaking bag ang mga mahahalagang gamit niya. Books, clothes and all the important stuffs in his room. Sa aming lahat siguro, pinakamaraming dala namin ay mga kagamitan ni Top.
Nang mailagay na namin lahat sa box ang mga gamit, tinulungan ko si Mad na ilabas iyon pababa sa salas pero nakakailang hakbang palang ako palabas ng kwarto ay biglang sumulpot ang madilim na mukha ni Vlad sa pinto.
"H-hi,honey."
Nauutal kong bati sa kaniya. Inagaw nito ang box na bitbit ko habang madilim pa rin ang mukhang nakatitig sa'kin. Is he mad at me?
"I told you to sleep,right?"
Tumango ako.
"Ito na ba ang paraan ng pagtulog ngayon? Iba na ba?"
Napanguso ako.
"I just want to help,Vlad."
"Anong oras na,kailangan mong magpahinga. Kaya na namin 'to dito."
Saad nito tsaka tinalikuran ako. Sinundan ko lang ito ng tingin habang pababa siya. Kaagad naman akong sumunod.
"Honey..."
Naglalambing na yumakap ako sa kaniya sa likod.
"Are you mad? I'm sorry."
Humarap ito sa'kin tsaka hinaplos ang buhok ko.
"I'm not. Sa tingin mo magagawa ko pang magalit sa'yo?"
"Akala ko galit ka. 'Yong mukha mo kasi kanina-"
"I'm pissed. Sinusuway mo na naman kasi ako e. Hon, I want you to get some rest. You're not a vampire. Oras na para matulog ka."
"Nagpahinga naman na tayo kanina e."
YOU ARE READING
Vampire Series #1: Total Stranger
VampiroJazleen Bueno is a human living a simple life as a nurse. Her life is always in danger and it started when she was in college. Fear consumed her the very first time a suspicious man tried to hurt her. Everytime her life is at risk, a mysterious guy...