Chapter 34

360 23 0
                                    

                     JAZLEEN

MULA nang makakauwi kami kahapon, hindi pa kami nagkikita ni Vlad. Siguro may bago na naman silang misyong gagawin kaya hindi nagungulit sakin.

Ayoko nang maguluhan kaya naman nakapagisip-isip ako na ngayong araw,kapag nagkita kami ni Vlad, sasabihin ko na sa kaniya ang tunay kong nararamdaman. Aamin na 'ko. Bahala na kung anong maging sagot niya basta ako, aaminin ko na talaga. Gusto kong malaman kung ano ba ako sa kaniya kaya maglalakas-loob akong umamin mamaya.

Whooo...ihanda mo na ang sarili mo.

Naligo muna ako tsaka nagbihis bago lumabas ng kwarto.
Nang makababa ako sa salas, naroon si South,naglilinis ito ng baril.

"Ahm...South? Nakita mo ba si Vlad?"

Binalingan ako nito tsaka tipid na ngumiti.

"Nasa meeting room siya,Jazzy."

Nakangiti nitong saad.

"Thank you."

Kinakabahang lumakad ako papunta sa meeting room. Bumuntong hininga muna bago akmang bubuksan ang pinto nang bumukas ito.

Niluwal nito sa Mad.

"Stay.Away.From.Him."

Madiin nitong saad sakin na ikinakunot ng noo ko. Nilingon ko siya habang papalayo siya.

Pinihit ko ang doorknob tsaka tinulak ito pabukas.
Bumungad sakin si Vlad na nakatungo sa lamesa. May problema ba siya?

"Vlad..."

Pag-agaw ko ng kaniyang atensiyon. Nilingon ako nito pero hindi ito ngumiti.
May problema kaya siya? Kapag nakikita kasi ako nito, ngingiti agad siya tsaka maglalambing sakin.

"W-what are you doing here?"

Kakaiba ang tono ng boses niya pero binalewala ko nalang iyon.

"Pwede ba kitang makausap?"

Tumayo ito tsaka kinuha ang cellphone niya sa lamesa.

"I'm sorry but I'm busy. Maybe let's just talk some other time. "

Kumirot ang puso ko sa sinabi niya lalo na't pansin ko ang kakaibang tono ng boses niya.

Galit na naman ba siya sakin?

"Ahm. Saglit lang naman 'to eh. May mahalaga lang akong sasabihin sayo."

Mariin itong pumikit tsaka malamig ang matang tumingin sakin.
Bigla akong nakaramdam ng kaba nang muling makita ang ganoong klase ng eskpresyon sa mukha niya.

It's cold....just like before..

Humakbang ito papalapit sa pinto tsaka akmang lalabas pero nagsalita ito.

"Busy talaga ako. Pasensiya ka na-"

"I like you,Vlad."

There. I finally said it. At last...

Agad kong putol sa sasabihin niya. Hindi ko 'to palalagpasin lalo na't malakas ang loob ko ngayong umamin sa kaniya.
Tinapunan ako nito ng tingin.Hindi makapaniwalang napahawak siya sa batok niya.

Bigla akong nakaramdam ng kaba.

"You can't be serious,Jaz."

Naiiling-iling niyang saad sakin na ikinakirot ng dibdib ko.

Hell,I'm serious!

"Seryoso ako,Vlad. Gusto kita. Gustong-gusto kita."

Kinakabahan kong saad sa kaniya.

Vampire Series #1: Total Stranger Where stories live. Discover now