Chapter 48

218 18 0
                                    

JAZLEEN

MAGDIDILIM na nang magising ako. Napahaba pala ang tulog ko...
Nakabalik na kaya si Vlad?

Tinignan ko ang cellphone ko para tignan kung may message ba si Vlad pero wala. Kahit missed calls wala rin. Tumayo ako tsaka nagsuklay bago tuluyang lumabas ng kwarto at bumaba.
Habang pababa ako rinig na rinig ko ang ingay na nanggagaling sa baba. Ano naman kaya ang ginagawa nila?

Saktong pababa na ako, nakita kong nakatayo si Vlad sa baba ng hagdan kaya kaagad naman akong napangiti. Buti naman at nakabalik na siya...

Kaagad ako nitong niyakap nang sandaling magkalapit kami.

"Did you sleep well,honey?"

Mahina ang boses na tanong nito. Tanging tango lang ang isinagot ko tsaka mas hinigpitan ang pagkakayap sa kaniya. I missed him so much....

"Kakarating niyo lang?"

I asked. Nakaramdam ako ng kaunting kaba nang hindi siya kaagad sumagot. Humiwalay ito ng yakap sa akin tsaka hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Hon..."

"What?"

Napalunok ako ng laway dahil sa kaba. Parang may gusto siyang sabihin sakin na hindi niya masabi-sabi.

"What is it Vlad? Tell me."

Hinaplos muna nito ang buhok ko bago tuluyang nagsalita.

"We're leaving....again. "

Tuluyan na akong kinabahan dahil sa narinig. Aalis na naman sila? Mag-aalala na naman ako...

Hindi ako kaagad nakapagsalita dahil hindi ko rin alam kung ano'ng sasabihin ko. To be honest, I don't want him to leave.
I want him to stay here with me. Ayokong lumalayo siya sa'kin dahil sobra akong nag-aalala.

"Hi,Jaz."

Bati nina North, South at Deshawn sa'kin na sinuklian ko lang ng isang tipid na ngiti.
Mukhang aalis silang lahat dahil kaniya-kaniya sila ng bitbit ng mga gamit.

"Vlad, mauna na kami sa kotse."

Paalam naman ni Southern habang nilalaro nito ang susi ng kotse.

"Susunod na lang ako sa labas."

Narinig ko siyang bumuntong-hininga.

"Hon, I need to leave again. Hindi pa kasi namin tapos ang ginagawa namin eh. Pangako,babalik akong ligtas. Kaming lahat babalik kaming ligtas."

Hindi ko na napigilan ang lungkot sa mukha ko.
Yes, I'm sad because he's going to leave me again. Nalulungkot ako kasi hindi ko na naman siya makakasama. Pero sa mga oras na 'to, pag-aalala ang mas nangingibabaw.
Sa bawat pagpapaalam ni Vlad na aalis siya, na iiwan niya muna ako saglit dahil may kailangan siyang gawin, sobra-sobrang kaba ang kapalit no'n.

"Hon, 'wag ka nang malungkot at 'wag ka na ring mag-alala. Everything's gonna be ok. I assure you that."

Muli niyang saad nang mapansing hindi ako nagsasalita.

"Sorry,but I can't help it. Hindi ko maiwasang mag-alala,Vlad. Natatakot ako."

"Hon, look at me."

Kaagad akong tumingin sa mga mata niya.

"Trust me,ok? Trust your man. Whatever I'm doing, this is for the best. I'm doing this for you so I could give you the peaceful life that you deserved. I'll be back for you,hon. Ligtas akong babalik,ok?"

Vampire Series #1: Total Stranger Where stories live. Discover now