Chapter 08

398 26 0
                                    

                    JAZLEEN

NAGISING  ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Napangiwi ako nang maramdan ang sakit sa sikmura ko.

Pinagmasdan ko ang paligid.
Madilim at tahimik. Marami ring nagtataasang mga puno. Naging alerto ako nang maala ko ang huling nangyari sa akin bago ako nakatulog kanina.

Napasigaw ako nang makita ko ang bangin sa paanan ko. Nakatali ako sa isang maliit na puno sa may bangin at ano mang oras ay maaari akong mahulog. Umiyak ako nang umiyak dahil sa takot.

"Help!! Tulungan niyo 'ko!"

Hindi ko gaanong makita ang lalim ng bangin dahil sa madilim ang paligid,pero sigurado akong  wasak ang mga buto ko kapag nahulog ako. Ayokong manginig dahil baka mahulog ako pero nanginginig talaga ang katawan ko sa takot.

"Tulong! Please tulungan niyo 'ko!!"

Nararamdaman ko nang unti-unting gumuguho ang lupang inaapakan ko.
Pilit kong kinakalas ang tali sa kamay ko.

"Tulong!!!!"

Buong lakas na sigaw ko.

"Kahit mapaos ka pa sa kasisigaw ay walang makakarinig sa iyo. Mapapagod ka lang. Kaya kung ako sa'yo, tatanggapin ko nalang ang kapalaran ko."

Nakakatakot na sabi ng isang lalaki sa aking likuran. Para siyang demonyong tumatawa.

"A-ano ang kasalanan ko sa inyo hah?!! B-bkit niyo ba ako gustong patayin?!!"

Tawa lang ang sinagot niya sa akin.

"Mas lalong gumanda ang hugis ng iyong katawan sa kalagayan mo ngayon."

Dinig ko pang sabi ng isang lalaki. Mas lalo akong naiyak nang paglandasin niya ang patalim na hawak niya sa bewang ko pababa sa hita ko.

"P-please....let go of me..."

Umiiyak na pagmamakaawa ko.

"Alam mo,kanina pa kami rito naghihintay ngunit hindi parin siya dumadating."

Sabi niya habang nakalapit sa mukha ko.
Sa tingin yung lalaking nagligtas sa akin ang tinutukoy nila.

"Sabihin ml binibini,nasaan ang punyal?"

Nagtaka ako sa sinabi niya.

Punyal? Ano naman ang kinalaman ko roon?

"A-anong punyal? H-hindi ko alam ang pinagsasasabi mo."

Tumawa silang dalawa sa sinabi ko.

"Huwag ka nang magmaang-maangan!!"

Malakas niyang sigaw na nagpaiktad sa'kin.

"Kung sasabihin mo sa amin ngayon kung nasaan ang punyal,magiging malaya ka na sa panganib! Nasaan ang punyal?!"

Tanong niya sabay tutok sa akin ng patalim.

"W-wala talaga akong alam...h-hindi ko alam ang sinasabi niyo."

Hindi ko naman talaga alam kung anong sinasabi nila. Anong punyal at ano naman ang kinalaman ko dun?
Siguro ay dahil rito kaya nila ako palaging sinusundan at pinagbabantaan.

"Kung ganun,bakit hindi ko nalang putulin ang lubid na 'to? Tutal wala ka naman palang silbi."

Ngayon ay nakatutok na sa lubid na nakatali sa akin ang patalim. Mas lumakas ang hagulgol ko.

Asan ka na? Please save me again....I need you...I badly need you...

"Bakit hindi nalang muna natin siya pakinabangan bago natin siya tuluyang patayin?"

Vampire Series #1: Total Stranger Where stories live. Discover now