Chapter 50

218 14 5
                                    

AN
Hey,guys! Hindi ko na po na-edit 'tong chapter na 'to kaya sorry kung may makita man kayong grammatical at typo errors. Hihi...
Btw, thank you ulit sa pagsuporta sa story ko. I love y'all!!😘😘

-AkkiRem

-------------------------------------------------                  

                   VLADIMIR

"NORTHERN?!"

Nag-aalalang pagtawag ko sa kaniya mula sa kabilang linya pero wala akong natanggap na sagot.
F*ck!!

Sinubukan kong tignan ang camera niya pero disconnected na iyon.
Man, what happened to you?! Where are you?!

"A-anong nangyari?"

Nag-aalalang tanong sa akin ni Mad.

"I don't know. Hindi ko na siya ma-contact."

"We should go back and look for him,Vlad! Baka kung ano nang nangyari sa kaniya!"

Muli kong tinignan ang Pleasure House na kasalukuyan nang nagliliyab ngayon.

"Ako nalang ang babalik, dito ka nalang."

Saad ko tsaka kumuha ng baril.

"No! Sasama ako,Vlad! Hindi pwedeng maghintay nalang ako rito. Mas mabilis natin siyang mahahanap kung magtutulungan tayo."

I sighed.

"Ok,fine.Let's go."

Sabay kaming lumabas sa sasakyan tsaka nagmamadaling tumakbo palapit sa Pleasure House.

"Wala na tayong mapapasukan. Halos sunog na ang kabuuan ng Pleasure House."

Kaagad kong saad kay Mad. I heard her cursed.

"Let's look around. Kasama natin siya kanina palabas kaya baka nandito lang siya sa paligid."

Nauna itong naghanap paikot pero kapwa kami napadapa nang may muli na namang sumabog sa loob ng Pleasure House.

"Mad, let's go! It's too dangerous in here!"

May kalakasan ang boses kong saad sa kaniya.
Napasabunot ako ng buhok ng makita siyang umiling.

"No! We can't just leave him here,Vlad! Baka kailangan tayo ni Northern!"

She's already crying. Minsan hindi kaaya-aya ang pag-uugali ni Mad. Most of the time, she's rude, short-tempered and she's really moody. But I assure you, among the six of us, not including Jaz, she's the softest. Hindi man niya pinapakita, pero sigurado akong malambot ang puso ni Mad.
She looks so worried. Look at those tears dripping down her face.
Hindi sila palaging magkasundo ni North pero malalim ang pagpapahalaga niya rito.

Hindi siya yung tipo ng tao na pakikitaan ka kaagad ng kabutihan sa una niyong pagkikita. Maaaring hindi maging maganda ang maramdaman mo sa kaniya sa una pero kapag nakilala mo na siya, maiintindihan mo kung bakit itinatago niya ang kabutihang taglay niya.
I'm sure, she has her own reasons.

"Mad, let's go. Bumalik na muna tayo sa sasakyan bago pa may maganap na mas malakas na pagsabog!"

Kahit ayaw niya, pilit ko siyang tinangay pabalik sa sasakyan.

"Hindi tayo aalis rito,Vlad. Hindi tayo aalis nang hindi siya kasama!"

Puno ng pag-aalala niyang saad sa akin.
Tumango ako tsaka muling sinubukang tawagan si North pero walang nangyayari.
D*mn, Northern! Nasaan ka na ba?! I hope you're ok,man. Hindi ka pwedeng mawala.

Vampire Series #1: Total Stranger Where stories live. Discover now