JAZLEEN
KAKATAPOS lang ng seminar ngayon at talagang nakakapagod. Halos buong araw akong nakaupo at nakikinig sa mga chika nila.
Pakiramdam ko tuloy flat na yung pwet ko sa sobrang tagal ng pagkakaupo ko.Pero hindi lang sakit sa pwet ang nararamdaman ko ngayon kundi pati na rin kaba. Natatakot ako na baka nasa paligid lang ang mga lalaking iyon at ano mang oras ay maaari nilang wakasan ang buhay ko.
Simula nang makalabas kami kanina ni CX sa room ko ay tinalasan ko na ang paningin ko sa mga maaaring mangyari sa paligid. Pilit kong tinatago kay CX ang kabang bumabagabag sa akin.
"May dinner party raw para sa lahat mamaya sa loob ng hotel."
Pukaw sa akin ni CX habang naglalakad kami sa labas at nagpapahangin. Pinilit niya ako rito dahil kailangan ko raw ng sariwang hangin. Tama siya. Masarap nga ang hangin rito sa Baguio,malamig.
"Ayokong pumunta."
Saad ko habang nakatingin sa kawalan.
"Huh? Bakit?"
Umiling ako.
"Basta ayoko lang. "
Bumuntong hininga siya.
"Don't worry. I will protect you no matter what happened. Trust me Ms. Snowman."
Tumingin ako sa kaniya.
"Basta CX ayoko."
"Magagalit si Dr. Gunzal. Kahapon ay hindi niya tayo nakita sa opening tapos 'di na naman tayo dadalo mamayang gabi? Sermon ang abot natin niyan."
"Paano kung nandiyan lang sila sa paligid?"
"Hindi ka nila masasaktan dahil maraming tao. Mas delikado nga kapag mag-isa ka lang eh. Mas malaki ang chance nila na masaktan ka."
Bumuntong hininga ako.
"Natatakot lang naman kasi ako eh. Pakiramdam ko kahit saan ako pumunta at kahit anong gawin ko ay nakamasid sila. Pakiramdam ko bawat galaw ko ay alam nila. Sobrang hindi ako kumportable sa paligid rito,CX. I want to enjoy and explore the beauty of this place but I just can't. The beauty of this place also brings danger to me. "
Inakbayan niya ako tsaka ginulo ang buhok ko.
"Basta. Hangga't kasama mo ako ay sisiguraduhin kong ligtas ka."
"Sige dadalo ako pero pwede bang saglit lang tayo roon?"
"Oh sige. Basta magpakita lang tayo kay Dr. Gunzal."
Pagkatapos naming magpahangin ni CX ay bumalik na kami sa mga kwarto namin. Sabi ni CX 7:00 pm raw yung start nung dinner party. 5:30 pm palang kaya may isa't kalahating oras pa ako para tumunganga.
May narinig ako kumatok na agad na nagpakaba sakin. Naging nerbyosa tuloy ako dahil sa mga lalaking 'yon eh.
"Sino 'yan?!"
Tanong ko sa kumatok.
"Hey ako 'to Ms. Snowman! I got a good news for yah."
Rinig kong sigaw niya pabalik. Oh it's CX.
Agad akong bumangon at pinagbuksan siya ng pinto.
"Hi!"
Nakangiti niyang bati sakin sabay pasok sa loob. Napangiti ako dahil wala siyang suot na eyeglasses.
hahaha sineryoso ng mokong na 'to yung sinabi ko kagabi.
"Yiiiee 'di na siya nagsosuot ng eyeglasses."
YOU ARE READING
Vampire Series #1: Total Stranger
WampiryJazleen Bueno is a human living a simple life as a nurse. Her life is always in danger and it started when she was in college. Fear consumed her the very first time a suspicious man tried to hurt her. Everytime her life is at risk, a mysterious guy...