JAZLEEN
BUMALIKWAS ako sa pagkakahiga sa kama tsaka bumaling sa wall clock.
9:57 pm
Sinuklay ko ng aking kamay ang buhok ko tsaka tumayo para gumawa ng kape sa mini kitchen.
Kaninang alas-otso pa ako nahiga sa kama ko pero hindi pa rin ako makatulog.
Kahit anong pikit ang gawin ko hindi ko magawa. Nananakit lang ang mga mata ko kaya naman napagdesisyunan ko nalang bumangon at libangin ang sarili ko.Nang matapos gumawa ng kape, naupo ako sa pang-isahang sofa tsaka binuksan ang laptop ko.
I decided to browse online, read some articles at tignan ang mga posts ng friends ko sa facebook pero parang ayaw naman gawin ng katawan ko.
I can't do anything but think about Vlad.I really miss him so much. I wanna hug him so tight, kiss him and cuddle with him all day long.
Sana matapos na 'tong paghihirap kong 'to. Diyos ko, pakiusap.....ibalik mo na po siya sa'kin. Miss na miss ko na siya at hindi ko na kakayanin kung magtatagal pa 'to...After sipping my coffee, I decided to just close my laptop.
I don't want to do anything. Gusto ko nalang tumulala.Isinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng sofa tsaka tumitig sa kisame.
I stayed in that position for about 5 minutes before remembering something from my dream months ago.
The scariest dream I've ever had.It was a dream—a very scary dream that I never told Vlad. I didn't tell him that I dreamt a few times about him killing a girl that looks exactly like me and stabbing his own heart right after killing her.
Maka-ilang ulit ko nang napanaginipan na pinatay ako ni Vlad at pinatay niya rin ang sarili niya sa harapan ko pero kahit kailan hindi ko sinabi iyon sa kaniya. Ayokong ipag-alala niya 'yon. Ayoko.It was a very scary dream and I keep dreaming about it. I don't know why I keep on dreaming about the same dream. Hindi ko alam kung ano ba ang nais iparating ng panaginip na 'yon.
Umiling-iling ako dahil ayoko nang maalala ang panaginip na 'yon tsaka binuksan na lamang ang cellphone ko.
I tried listening to music 'cause I thought it'll calm me, but I was wrong. Imbes na kumalma ako, mas lalo lang bumigat ang pakiramdam ko dahilan para maiyak ako. Ilang magkakasunod kasi na malulungkot na kanta ang nag-play. Kung hindi naman malungkot na kanta,kanta naman na nagpapaalala sa'kin kay Vlad like the song 'Best Part'. My favorite song and a song he loves to sing to me.Kapag magkasama kami, lalo na sa gabi kapag hindi ako makatulog, iyan ang unang kantang kinakanta niya. How I miss his voice....
"I miss you so much,Vlad. I can't sleep...Nasaan ka na ba para makantahan mo na ako? Gusto ko nang matulog dahil buong araw akong napagod kakaisip sa'yo. Gusto ko nang matulog na katabi ka...."
Umiiyak na saad ko na para bang maririnig niya ako.
I've been crying like this for a couple of days now. I'm so tired. I'm so tired of dealing with the sadness—with the pain.....Hindi ako mahilig magsulat ng diary pero ngayon, naisipan kong kumuha ng isang papel at sumulat doon.
Isinulat ko sa papel lahat ng gustong sabihin ng puso ko at nang matapos, muli kong inabot ang cellphone ko at nagpunta sa gallery.There, I looked at our pictures. Napakarami kong larawan sa kaniya at lahat 'yon inisa-isa ko.
There's a photo of him sleeping like baby. A photo of us in the bed, cuddling and many more.Bawat larawan na nakikita ko, kapalit niyon ay luha. Nanlalabo na ang mga mata ko pero panay pa rin ang tingin ko sa mga larawan naming dalawa.
"We look so happy here,honey..."
YOU ARE READING
Vampire Series #1: Total Stranger
VampireJazleen Bueno is a human living a simple life as a nurse. Her life is always in danger and it started when she was in college. Fear consumed her the very first time a suspicious man tried to hurt her. Everytime her life is at risk, a mysterious guy...