Chapter 33

382 23 0
                                    

                    JAZLEEN

KASALUKUYAN na akong papunta sa kwarto ko. Nag-iinuman sila sa labas at dahil nahihilo na 'ko, napagdesisyunan ko nang pumasok.
Umalis ako at sinabing iihi lang. Sasamahan sana ako ni Vlad pero hindi ako pumayag.

Nang makapasok ako, agad akong nahiga sa malambot na kama.

"My world is spinning..."

Inaantok ang boses na saad ko.
Pumikit ako dahil sa pagkahilo.

"Is my honey ok?"

Anang baritonong boses na nagpadilat sakin.
Nang makadilat ako, bumungad sa akin ang gwapong mukha ng isang nilalang. Sobrang lapit ng mukha nito sakin.

Hinaplos nito ang mukha ko habang malamlam ang mata kong nakatingin sa kaniya.

"Is my honey ok?"

Mas lalo akong napapikit nang maamoy ang mabango niyang hininga na may halong amoy ng alak. Umiling ako.

"I'm feeling weak and dizzy..."

Pabulong kong saad.

"Aw. My honey is not good in drinking liquor. Lasing ka na."

Saad nito tsaka tumayo. Nang makabalik ito,may hawak na itong basang towel.
Pinunasan nito ang buong mukha ko. Nakakatulong naman itong mabawasan ang pagkahilo ko.

Umalis ito ulit at nang makabalik,may dala na itong baso ng tubig.

"Here,honey. "

Tumayo ako at ininom iyon. Nanatili akong nakaupo sa kama. Medyo nabawasan na ang pagkahilo ko.Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Bumalik ka na doon sa kanila."

"Ayoko. Hindi kita iiwan rito."

Tumango ako. Naiinitan ako kaya naisipan kong maligo. Tumayo ako at kumuha ng pantulog tsaka kinuha ang tuwalya

"Maliligo ka?"

Tumango ako tsaka pumasok sa CR.
Mabilis akong naligo at nagbihis. Laking pasalamat ko nang mabawasan ang pagkahilo ko.

Pinihit ko ang doorknob at napatili nang makita si Vlad na walang nang pantaas at hinuhubad na ang pantalon niya.

"V-Vlad! Anong ginagawa mo?!"

Nilingon ako nito habang naghuhubad ng pantalon. Napatakip naman ako ng mata.

Jusko! Baka kung anong klaseng nilalang ang lumabas diyan sa boxer shorts niya!

Jusko!!!! Naalala ko pa ang sinabi ni Leigh sa akin tungkol sa laki ng alaga ni Vlad! Jusko! Ayoko pa pong mawasak!

I heard him chuckled. Naramdaman ko ang presensiya niya sa harap ko at tinanggal ang pagkakatakip ng mga kamay ko sa mata ko.

"I told you, I can't sleep with my clothes on."

"Magdamit ka nga! "

"It's ok,honey. You can look at my body. Have a feast on my sexy body."

Nang maaalis ko na ang mga kamay sa mata ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may kung anong malaking bumabakat sa boxer shorts niya.

"A-anong klaseng..."

"Masyado bang malaki?"

Painosente niyang tanong. Napakurap-kurap ako.
Pakiramdam ko,ano mang oras may kakawala sa suot niyang boxer shorts.

"V-Vlad..."

"Eyes up here,honey."

Agad akong nag-angat ng tingin at nakita ko siyang nakangisi.

Vampire Series #1: Total Stranger Where stories live. Discover now