AN:
Hi guys! Kamusta na kayo? Sorry kung hindi ako nakapag-update nitong mga nakaraang araw.
Stay at home lang po tayo at sumunod sa mga dapat gawin para hindi po tayo mahawa sa virus na 'to. Stay safe and healthy,ok? Love y'all!😘__________________________________
JAZLEEN
Madilim.....tahimik....maraming puno...
Sobrang nakakatakot sa lugar na ito...."Nasaan ako?"
Tanong ko sa sarili habang puno ng takot na nililibot ang paningin sa kapaligiran.
Tanging ang bilog na bilog at napakaliwanag na buwan lang ang nagsisilbing ilaw sa lugar na 'to. Masyadong tahimik ang lugar na halos pati paghinga ko ay naririnig ng dalawa kong tenga.Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad. Tahimik ang lugar pero pakiramdam ko maraming mga mata ang nakamasid sa akin.
Ilang sandali pa ay may naramdaman akong paggalaw sa kakahuyan.
"May tao ba riyan?!"
Puno ng tapang kong tanong pero walang sumagot.
"May tao ba riyan?!"
Muli kong tanong nang makarinig muli ng kaluskos sa kakahuyan.
"Magpakita ka sa'kin! Hindi ako natatakot sa'yo!"
Buong tapang kong sigaw. Ilang sandali pa ay lumabas mula sa kakahuyan ang isang nakakatakot na nilalang. Humarang ito sa daan at tumingin sa mga mata ko.
Salamat sa ilaw ng buwan at nakikita ko ang hitsura ng nilalang na 'to.Mabilis na tumibok ang puso ko nang makita ang mga mata niyang magkaiba ang kulay. May kahabaan ang buhok nitong pinaghalong puti at abo ang kulay, balbon ang dibdib,braso at ang mukha nito.
Mabilis ang bawat paghinga niya. Mahahaba ang kuko at nakalabas ang pangil.
"S-sino ka?"
Nauutal na tanong ko sa kaniya pero hindi ako nakatanggap ng sagot. Ilang sandali pa ay may lumabas namang babae mula sa kakahuyan. She's wearing a white dress.
Nang tuluyan nang tumama ang liwanag ng buwan sa mukha niya, laking gulat ko nang makitang kamukha ko ang babae.
"S-sino ka?!"
Ngumisi ito tsaka may inilabas na patalim na hindi ko malaman kung saan nanggaling.
"Kilala mo ba ang halimaw na 'to?"
Mahinahon lang ang boses niya pero may kilabot akong naramdaman doon. Muli kong tinignan ang lalaki at
pinagmasdan siyang maigi."Vlad...."
Bulong ko sa hangin. It was him. Alam kong siya ito dahil sa magkaiba niyang mata, hugis ng mukha at hubog ng katawan. Ito ang halimaw na nakita ko ilang araw na ang nakalipas pero sa pagkakataong ito, mas nakakatakot siya.
YOU ARE READING
Vampire Series #1: Total Stranger
VampireJazleen Bueno is a human living a simple life as a nurse. Her life is always in danger and it started when she was in college. Fear consumed her the very first time a suspicious man tried to hurt her. Everytime her life is at risk, a mysterious guy...