VLADIMIR
" SA BORACAY NALANG!"
Malakas na suhestiyon ni Deshawn sa akin. Kasalukuyan kaming nasa meeting room ngayon at pinag-uusapan kung saan kami pwedeng mag-outing. Naisip ko kasi ilang linggo na kaming babad sa trabaho namin.
Medyo pawisan pa ako ngayon dahil kakatapos ko lang i-train si Jaz. She's a fast learner and it amazed me a lot.
Dalawang linggo mahigit na naming ginagawang parte ng araw namin ang pagtratrain at sa loob ng mga araw na iyon ay malaki ang ipinagbago ni Jaz.Haiisst.. Lahat kami pagod sa mga kani-kaniyang gawain kaya naisipan kong bigyan ng break ang mga sarili namin.
Nakakapagod ang patong-patong kong responsibilidad. Ang negosyo ko, ang farm, ang negosyo naming magkakaibigan na nagkaroon ng kaunting aberya,ang misyon namin at ang pagpapalabas ko sa tunay kong kakayahan.Kaya naman, naisipan kong bigyan ng kaunting pahinga ang grupo namin upang makapag-relax din naman kami. Matagal na simula nang makapag-enjoy kami kaya pinatawag ko silang lahat kasama na si Jaz na kasalukuyang nakaupo na ngayon sa tabi ko.
"I suggest the island of Samar and Leyte. Maraming mga tagong magagandang tanawin doon na hindi pa talaga dinadayo ng maraming turista."
Si South naman iyon. Sumama naman ang tingin ni Deshawn kay South.
"Seriously,South? Mas maganda kung sa Boracay tayo kasi maraming tao doon. Lots of sexy women with big bouncing boobs and healthy butts. Siguradong mage-enjoy tayo ro'n!"
Excited na saad ni Deshawn na ikina-irap naming lahat.
"Deshawn,magbago ka na. Ako nga nagbago na 'ko eh. Hindi na ako pababaero."
Mayabang na saad nito sabay sulyap kay Jaz. Sinamaan ko naman ito ng tingin.
Don't you dare,Ziballe 2!
"'Wag tayo do'n. Masyado nang dinadayo ang lugar na iyon. Maghanap tayo ng mas magandang lugar. Yung wala gaanong tao."
Si Top naman iyon na kasalukuyang tumitipa sa laptop niya. Nakita kong sumimangot si Shawn sa sinabi ni Top.
"Ikaw Mad, wala ka bang isu-suggest na magandang lugar?"
"Do I look like I'm interested with that? "
Malamig nitong tanong kay Top na saglit na natahimik. Pasimple naman akong napangisi. Tch. Mad and her attitude. Magpinsan nga kami, hindi nagkakalayo ang pag-uugali namin.
"Yeah,right. It's obvious that she doesn't have a jot of interest in exploring beautiful places on Earth."
Naiiling na saad ni Top.
"What about the island of Palawan? There were lots of beautiful spots there. The island of Palawan has lots to offer so I guess it would be nice if we visit and explore the beauty of Palawan."
Si North naman iyon. Napaisip ako. Oo maganda nga ang Palawan pero kasi nakarating na ako doon.
"Palawan? 'Di ba nakapunta na tayo doon?"
Saad ni Deshawn.
"Well, it's been years since our last visit there. Years so it means lots of changes."
Hindi ako nagsalita.
"How about you,Jaz? May alam ka bang magandang lugar na pwede nating bisitahin?"
Tanong ni Deshawn kay Jaz. Sinulyapan muna ako nito.
"Ahm...I agree with South. There are lots of undiscovered beautiful islands in Samar and Leyte. I've been in Leyte before and the beauty of the island is really breathtaking. "
YOU ARE READING
Vampire Series #1: Total Stranger
VampirosJazleen Bueno is a human living a simple life as a nurse. Her life is always in danger and it started when she was in college. Fear consumed her the very first time a suspicious man tried to hurt her. Everytime her life is at risk, a mysterious guy...