Chapter 14

348 26 0
                                    

                    JAZLEEN

KALALABAS ko lang ng hospital at kasalukuyan akong nagpapahinga ngayon sa bahay.
Walang gabi na hindi ako dinadalaw ng masasamang panaginip dahil sa mga nangyayari sakin ngayon.
I don't really understand what's happening on me? Why am I in this situation? Kahit anong gawing paghahalughog ko sa utak ko,wala akong maisip na pwedeng gumawa sakin nito. Marami ang bumabagabag sakin dahil sa mga masasamang lalaking iyon.
Lumalala na ang sitwasyon at hindi ko parin alam kung ano ang pakay nila sakin. Ayoko namang pag-alalahanin sina lola dahil masyadong marami na siyang inaalala.

"Oh apo, bakit hindi ka pa natutulog?"

Napaiktad ako nang biglang magsalita si lola na kakapasok lang sa kwarto ko.

"L-lola..."

Masuyo niya akong nginitian.

"Mukhang malalim ang iniisip mo. Kanina pa ako kumakatok pero hindi mo ako sinasagot."

Umupo siya sa tabi ko tsaka hinaplos ang nakalugay kong buhok.

"Pasensiya na po kayo lola."

"Hindi ka ba makatulog?"

Tumango ako bilang pagsang-ayon.

"May gusto ka bang sabihin sakin,apo? Sabihin mo kay lola baka makatulong ako."

Ayoko pong dagdagan ang problema niyo lola....marami akong gustong ikwento pero natatakot ako na baka pati kayo madamay...

Gusto kong sabihin iyon kay lola kaso natatakot ako. Ayokong mag-alala siya at ayokong matakot rin siya kagaya ko.

"Jaz apo, kilala kita. Alam ko ang bawat kilos mo lalo na't sa akin ka lumaki. Sabihin mo na ang problema mo sa akin."

Hindi ko napigilin ang pagpatak ng aking luha pero kaagad ko iyong pinunasan.
Napapikit ako at napahagulgol nang yakapin ako ni lola at hinagod ang likod ko.

"Jaz....ssshh.."

"L-lola....natatakot po ako."

Nag-aalalang tumingin siya sakin tsaka pinunas ang luha sa mga mata ko.

"Apo...."

"Lola, W-wala naman po tayong kaaway 'di b-ba? W-wala naman po tayong ginagawang m-masama sa kapwa natin hindi ba?"

Humihikbi na tanong ko kay lola.

"Wala tayong kaaway apo...wala. Wala tayong ginawang masama."

Tumingin ako na puno ng katanungan kay lola. Kung wala, bakit nila ako gustong patayin?

"K-kung wala naman po lola, b-bakit nila ako hinahabol? Natatakot po ako,lola..."

Niyakap niya ako.

"Kailan pa sila nagsimulang habulin ka?"

"Matagal na po lola. Simula po nung grumaduate ako ng highschool hanggang ngayon. P-palagi nila akong sinusundan. I-ilang beses na rin nila akong p-pinagbantaan."

Mas napahagulgol ako lalo sa sobrang takot habang bumabalik sa isipan ko ang mga masasamang nangyari sa akin.

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin,apo?Bakit?"

I looked straight into her eyes as my tears kept on falling down on mu cheeks.

"N-natatakot po kasi ako lola...n-natatakot ako na baka pati kayo madamay. Na-"

"Kung may madadamay man rito o nadamay, ikaw iyon,Jaz. Ikaw 'yon apo."

Pagputol niya sa mga sasabihin ko na ikinakunot ng noo ko.Naguguluhang tumingin ako kay lola.

Vampire Series #1: Total Stranger Where stories live. Discover now