Chapter 46

357 27 3
                                    

                    JAZLEEN

KASALUKUYAN akong nakaupo sa isa sa mga  chaise lounges dito sa pool sa baba.
Bibisitahin ko sana si Top kaso sabi ni Vlad hindi pa raw pwede ngayon dahil may kung ano silang mahalagang ginagawa rito.

Hindi ko maiwasang mapangiti nang  makita ang mga ibong malayang lumilipad.
How I wish to fly freely like them.

"What's with that sweet smile,honey?"

Nilingon ko ang nagsalita. Si Vlad iyon na may dala-dalang may kalakihang tray ng pagkain.

"Nothing. Nagagandahan lang ako sa paligid."

"I brought you snacks."

Inilapag nito ang tray sa maliit na lamesang malapit sa akin tsaka umupo sa katabing chaise lounge.
Mahina akong pumalakpak nang makita ang mga pagkaing dala niya.
Vanilla flavored ice cream, french fries, two slices of chocolate cakes and spicy chicken wings.

"Your cravings."

Nakangiti niyang saad na ikinangiti ko.

"Cravings?"

"Yes. Narinig kita kanina habang inaasikaso namin si Top."

Saglit na napakunot ang noo ko pero nang maalala ang isang bagay, napatango-tango nalang ako.Kanina kasi nanood ako ng mukbang at sobrang natakam ako nang makita ko ang mga 'to. Nawala sa isip ko na naririnig niya pala ang boses ko kahit malayo siya sa'kin.

Kaagad akong naglaway nang maamoy ang mga naghahalong amoy ng mga pagkaing 'to.
Nyuumm!!

"Mamaya pwede mo nang bisitahin si Top."

Saad niya tsaka sinubuan ako ng fries.

"Kailan kaya siya magigising?"

Tanong ko tsaka tumayo upang maghugas ng kama sa 'di kalayuang sink na naroon.

"Magigising na rin 'yon. Let's just wait."

"Kawawa naman si Mad. Mukhang alalang-alala na siya kay Top. Mad is sometimes weird and-"

"She's always weird,hon."

Putol nito sa sasabihin ko sabay subo ng fries. Ako naman, nakakunot ang noong kumuha ng chicken wings.
Hindi ko maiwasang mapangiti nang matikman iyon. Napakasarap!

"Saan mo 'to binili?"

I asked.

"I cooked that,hon. Masyadong malayo pa ang bilihan rito."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. All of these?!

"T-talaga?"

"Yeah. Nagluto ako kaagad pagkatapos naming asikasuhin si Top. Ano,masarap ba?"

"Yes. Sobrang sarap. Pero itong fries at-"

"Binili ko na 'yan bago tayo lumipat rito dahil hilig din ng mga kolokoy ang mga ganiyang klase ng pagkain. "

Tumango-tango ako tsaka sinubuan siya ng pagkain. Saglit kaming nanahimik hanggang sa dumating si Nolan.

"Narito na po ang iniutos ninyo."

Nilapag nito sa lamesa ang dalawang milktea.
Kung hindi ako nagkakamali, cookies and cream ang flavor ng mga ito.
Binigay nito sa akin ang isa.
Wow! Saan naman niya ito nabili?

"Saan mo naman 'to nabili?"

"Pinagawa ko 'yan kay Nolan. Kaya kung mapapansin mo, walang kung anong  disenyo ang lagayan."

Vampire Series #1: Total Stranger Where stories live. Discover now