Hi, allenmalubay16! 😊Thanks for your comments, I really appreciated it. You're the first one to drop a comment about my story and it really touches my heart. Thanks for supporting my story from the very start😊😘Hi also to CrissalyNarval😊And also, thanks to other silent readers out there for reading my story and also for your votes. It was highly appreciated by me,guys. 😊Thanks a lot. Please do support me until the end. Lovelots😊😘😍
---
JAZLEENISANG linggo na ang nakalilipas nang magsimula akong maging katulong rito.
Tss...simula nang lumabas sa lungga niya ang halimaw na Vlad na 'yon, palagi na ako ang gumagawa ng karamihan sa mga gawaing bahay dito.
Minsan pinipigilan akong magtrabaho nina North,South,Top at Deshawn pero wala rin silang nagagawa kapag nandiyan na ang halimaw na masungit na lecheng 'yon!Sayang lang kasi ang gwapo-gwapo niya tapos sobrang pangit ng pag-uugali!
Isang linggo na niya akong inaalipin. Kapag natatapos ako sa isang gawain, may ipapagawa na naman siya sakin. Ni halos mawalan na nga rin ako ng oras huminga dahil panay utos ang isang 'yon.
Sa kabilang banda, naiisip ko na siguro tama siya, hindi ako nagbabayad ng ni sentimo sa pamamahay na 'to kaya nararapat lang na kumilos ako rito at hindi umaktong prinsesa.
Libre ako rito mula sa pagkain hanggang sa tinutuluyan kong kwarto kaya dapat lang na hindi ako magreklamo.
Pero kasi kahit naman sinong katulong eh hindi magtatagal sa ugali niya, eh halos isang segundo nga lang ang panhinga ko kapag hindi busy ang halimaw na 'yon at walang ibang ginagawa kundi ang utusan ako.
Buti nga kapag hindi busy sina North sa misyon nila, tinutulungan nila akong maglinis."Oh,bakit nakabusangot ka?"
Napabaling ako sa nagsalita.
"Wala lang Deshawn. May iniisip lang ako."
Sagot ko habang nagwawalis sa salas.
"Kumain ka na ba ng agahan?"
Tanong naman sakin ni South habang inaayos ang suot niyang plain black t-shirt.
Hindi ko sila nakasabay sa pagkain kanina dahil madaling-araw na sila nakauwi dahil sa misyon nila."Kumain na ako kanina. 'Di ba pinagluto mo 'ko bago ka natulog?"
Tumango-tango lang ito.
"Teka, bakit ang aga niyong bumangon? 'Di ba anong oras na kayo nakauwi kanina?"
Tanong ko habang nakatuon parin ang atensiyon sa pagwawalis.
"Sanay na kami sa ganito kaya ayos lang."
So North ang sumagot na kalalabas lang ng kusina at may hawak na kape.
"Akin na nga 'yan. Mukhang kanina ka pa naglilinis rito."
Pilit kong inagaw kay Deshawn ang walis na inagaw niya sakin pero pinaupo lang ako nito sa sofa at siya na ang nagpatuloy sa pagwawalis.
"Umupo ka lang diyan,ok? Walang oras na 'di kita nakikitang naglilinis eh."
"Pero,Deshawn, ayos lang naman na gumawa ako ng mva gawaing bahay eh. Wala akong naitutulong dito sa inyo kaya dapat lang na ako ang gumawa ng mga gawaing bahay."
"Wala kaming pakialam kung wala kang naitutulong."
'Yon lang ang sinagot nito sakin.
Tumayo ako tsaka pilit na inagaw ang walis kay Deshawn pero hindi ko rin naagaw dahil sa lakas nito."Let me do this,ok? "
Muling saad nito tsaka pilit akong pinaupo sa sofa.
"Kapag nakita ka ni sir Vlad na nagwawalis,magagalit 'yon sakin."
YOU ARE READING
Vampire Series #1: Total Stranger
VampireJazleen Bueno is a human living a simple life as a nurse. Her life is always in danger and it started when she was in college. Fear consumed her the very first time a suspicious man tried to hurt her. Everytime her life is at risk, a mysterious guy...