JAZLEEN
HALOS buong gabi akong hindi nakatulog dahil sa pag-iisip ko sa lalaking iyon.
Parang ang bigat-bigat ng mga mata ko.
Bumaba ako sa pantry para kumuha ng kape. Ramdam kong bumibigay talaga ang mga mata ko."Ayy naku, Nurse puno na!"
Nagulat ako sa sigaw ng isang lalaki.
Naku! Hindi ko namalayang napuno na pala ang kape sa cup na hawak ko! Umapaw ito at napaso ang kamay ko pero 'di naman malala."Heto "
Inabot sa akin ng isang Nurse rin doon ang isang tissue. Sa tingin ko ay bago siya dito dahil ngayon ko lang nakita ang mukha niya.
"Thank you."
I thanked him with a grateful smile on my face.
"Kanina pa kita napapansin na nakatulala,Miss."
"N-naku pasensiya na."
I suddenly felt shy of what he said. Parang tanga sigiro ako habag nakatulala.
Bumuntong hininga siya tsaka ngumiti sa akin."Hi! Ako nga pala si CX. Chrixiann Laurel. Nice to meet you."
Inabot niya sa akin ang kamay niya.
Saglit ko iyong pinakatitigan bago ko rin inabot ang kamay ko sa kaniya.."Hi! Ako naman si Jazleen Bueno. Nice to meet you too."
After introducing ourselves to each other, we walked a little while still of course, conversing. I feel awkward 'cause I'm not that good with socializing—or throwing topics to a new friend,but slowly I can feel myself keeping up. He's not hard to talk to so,I guess it helped make the environment a little less awkward.
"Ahm...bago ako rito sa hospital na 'to. "
Nakangiting saad niya. Mukhang masayahin siyang tao. Bagsak ang buhok niya at mayroon siyang eyeglasses. Matangos ang ilong niya at maganda ang mga mata niya. Ang cute niya sa totoo lang.
Hoy Jaz! Cute ka diyan!?
"Ahh pansin ko nga."
I shyly replied. I kinda feel like an idiot right now.
Umupo kami sa may bakanteng lamesa nang makalapit doon."Ahm..."
Kinagat niya ang manipis at mapula niyang labi bago kuling nagsalita
"Pwede ba kitang maging kaibigan? Ahm kasi....bago lang ako kaya..... gusto ko sana ng makakasama na pwedeng gumabay sa akin dito."
Diretso niyang tanong. Kaibigan? Gusto niya akong maging kaibigan? Talaga? For the first time in forever.....na may nagtanong sa akin ng ganyan.
"Ahm s-sure."
Napangiti siya sa sinabi ko.
"Thank you so much Nurse Jaz."
Sabi niya sabay tingin sa I.D ko na may nakalagay na pangalan ko.
Tumingin rin ako sa I.D. niya.
"You're welcome Nurse CX."
Ang astig ng pangalan niya.
Biglang nag-ring an cellphone ko kaya nagpaalam ako saglit para sagutin iyon.
"Excuse me. Sasagutin ko lang itong tawag ko."
"Yeah sure."
Nakangiti na naman niyang saad. Ako naman, naglakad ng kaunti sa hindi mataong lugar at doon sinagot ang tawag.
YOU ARE READING
Vampire Series #1: Total Stranger
VampireJazleen Bueno is a human living a simple life as a nurse. Her life is always in danger and it started when she was in college. Fear consumed her the very first time a suspicious man tried to hurt her. Everytime her life is at risk, a mysterious guy...