Chapter 53

210 11 0
                                    

                    JAZLEEN

KAAGAD akong bumaba nang matapos akong maligo. It's already 8:30 in the morning at kagigising ko lang.
Ewan ko ba kung bakit late akong nagising ngayon. Wala rin namang Vlad na umakyat sa kwarto ko para gisingin ako.

Nang sandaling makababa ako, walang tao sa salas kaya dumiretso ako sa kusina,wala ring tao.

Asan kaya sila?

"GOOD MORNING!!"

Bahagya akong napatalon sa gulat nang may biglang sumigaw sa likod ko.

"Nolan!"

Tawag ko sa kaniya habang sapo-sapo ang dibdib ko. I heard him chuckled.

"Nagulat 'ata kita."

"Grabe ka naman kasi, bigla-bigla ka nalang sumisigaw diyan."

"Sorry."

Napatingin ako sa inilapag nitong plastic na may laman sa lamesa. Hindi ko alam kung ano 'yon?

"Ano 'yan?"

"Oh,ito? Fresh green mangoes. Binigay sa akin nina Kuya Pido dahil marami raw silang naani kanina."

Nangasim ang mukha ko nang makita ang mga mangga. Malalaki ito at kung hindi ako nagkakamali, dalawang klase ng mangga ang dala niya.

"Want some? Pagbabalatan kita."

"Sige, pero kakain muna ako ng almusal."

He nodded then placed the mangos on the kitchen sink and washed them clean.
Ako naman, kumuha ng cereals at gatas tsaka nagsimulang kumain.

"Naku, mukhang masasarap 'tong mga 'to ah."

Saad niya habang pinupunasan ang mga mangga at isa-isang nilagay sa tray. Mukhang masarap nga!

"Anong gusto mo? Itong Indian o Carabao?"

He asked while holding two different mangoes.

"Ahm, ano ang pinagkaiba nila?"

"Well, itong Indian Mango sa pagkakaalam ko, ito ang hindi maasim at itong Carabao naman ang maasim. So, which one?"

Umakto akong nag-iisip tsaka tinuro ang napili kong mangga.

"'Yang Indian Mango nalang."

"Ok. Wait, sure kang kakain ka na nito after mong kumain ng breakfast? Hindi ba sasakit ang tiyan mo? "

Kaagad akong umiling.

"Na-try ko na dating kumain niyan after breakfast,hindi naman sumakit ang tiyan ko. Tsaka gusto ko rin kasi talagang tikman.Mukhang masarap eh."

"Okidoki."

Kumuha ito ng isang Indian Mango at isang Carabao tsaka mabilis na binalatan ito.

"Hindi ka mahilig sa maasim?"

He asked.

"Hindi naman. May pagkakataon na gusto ko ng maasim pero ayoko muna siya ngayon."

Huminto siya sa pagkain tsaka binalinan ako.

"Magkaiba pala tayo. Ako kasi mahilig talaga ako sa maasim kaya pinili ko 'tong Carabao Mango na 'to. Ewan ko ba pero sarap na sarap ako rito."

Saad niya habang hinahaplos ang isang piraso ng Carabao Mango na akala mo sinasamba ito. Nang matapos nitong hati-hatiin ang mangga, may kinuha itong maliit na topperware sa loob ng nakahiwalay na plastic.

"Tikman mo 'tong bagoong nila,masarap 'to."

Nilagyan niya ng bagoong ang platitong pinaglalagyan ng mangga ko tsaka inabot 'yon sa'kin.
Gano'n din ang ginawa niya sa kaniya.

Vampire Series #1: Total Stranger Where stories live. Discover now