Chapter 21

357 26 0
                                    

                    JAZLEEN

KAKATAPOS ko lang maligo at kasalukuyan akong nagpapatuyo ng buhok.
Habang nakaharap ako sa vanity mirror na binili sakin ni North ay nakatulala ako.
Inaalala ang mga nangyari kahapon. Ang mga kakaibang nakita ko, ang pag-amin sa akin ng mga bago kong kaibigan at kung sino ba talaga ang lakaking iyon.

Kahapon napag-isip-isip kong tama ang ginawa kong pag-intindi sa kanila. Wala akong karapatang magalit dahil karapatan nilang itago kung ano talaga sila dahil hindi naman nila ako lubusang kilala.
Base sa pakikitungo nila sa akin nitong mga nagdaang linggo ay masasabi kong may mabuti silang puso.


Hindi sila kagaya ng mga bampirang humahabol sa akin. They are trying to protect me and I'm glad of it.
Kahit wala akong naitutulong sa kanila, inaalagaan parin nila ako.
Wala na akong trabaho dahil masyadong mapanganib ang buhay ko ngayon.
Hindi ako makapagbigay ng perang paggastos sa kanila pero ni minsan hindi nila ako siningil at sinumbatan.

Namimiss ko na tuloy magtrabaho. Namimiss ko na sina Hope at CX. Kung pwede lang sana akong bumalik sa trabaho, ipapakilala ko kila CX ang mga bago kong kaibigan.

Kamusta na kaya si Hope? Baka namimiss na ako no'n. Eh si CX kaya,hinahanap kaya niya ako?
Gusto ko sanan tawagan si CX kasi hindi ko alam ang number niya. Haiisst...

Sumilip ako sa bintana para makasinghap ng sariwang hangin. Napatingin ako sa baba at napangiti nang makita ang isang batang babae na may kasamang matandang babae. May hawaknl itong supot ng pandesal.

A wave of nostalgia swept over me when I saw the girl kissed her grandmother on her cheeks. I used to do that when my grandma was still alive. How I missed her....

Pinunas ko ang luhang pumatak sa pisngi ko tsaka pinilit na ngumiti.

"Jaz,breakfast is ready."

Bumaling ako sa nagsalita tsaka nginitian ito.

"Bababa nalang ako South."

Tumango lang ito tsaka muling isinara ang pinto.

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako bumaba sa kusina.

I was about to enter the kitchen when a handsome man caught my eyes.
I stiffened  as I look at him,comfortably sitting and sipping his coffee.

Nakaupo ito sa pinakadulo ng lamesa habang sumisimsim ng kape at ang mga mata ay nakatuon sa akin. Nag-iwas ako ng tingin nang makaramdam ng pagka-ilang.
Ang magkaiba nitong mga mata ay nakatitig sa akin na animo'y sasakmalin ako ano mang oras.

"Jaz,halika na."

Rinig kong saad ni Top tsaka tinapik ang bakanteng upuan sa tabi niya. .Akmang uupo ako sa tabi ni Top nang biglang nagsalita ang lalaking nagngangalang Vladimir.

"Umupo ka doon sa kabilang dulo ng lamesa."

Malamig nitong saad.

"Hindi dapat nakikihalobilo ang isang tao sa mga bampira."

Nasaktan ako sa sinabi niya.

"Vlad, mahaba ang lamesa at masyadong malayo na siya satin kung sa kabilang-"

"Gusto mo bang sa salas ko siya pakainin?"

Muling saad nito bago sumimsim ng kape.
Tipid na nginitian ko na lamang sina North na halatang 'di sang-ayon sa gusto ni Vlad.

Nilagyan ako ng plato ni North habang si Deshawn naman ay tinimplahan ako ng gatas. Si Deshawn ang tagatimpla ko ng gatas palagi kaya awtomatiko na niya itong ginagawa tuwing umaga at gabi.

Vampire Series #1: Total Stranger Where stories live. Discover now