Chapter 38

525 34 8
                                    

A/N
Ayy guys! Gusto ko pong humingi ng tawad kasi hindi po ako nakapaglagay ng 'WARNING' sa chapter 37. Kung narito na po kayo sa chapter na 'to,paniguradong nabasa niyo na po ang chapter 37 at alam niyo na rin po kung bakit po ako humingi ng tawad dahil 'di ako nakapaglagay ng 'WARNING'. May part po sa chapter na iyon na hindi angkop sa mga bata na ang edad ay 17 pababa or wala pa sa wastong gulang para makabasa ng bed scene. Kahit na hindi naman natuloy ang BS sa chapter 37,still, may parte parin na hindi naaayon sa mga mambabasa na wala pa sa wastong edad. Again,I'm really sorry,guys. Actually,naglagay ako ng 'WARNING: RATED SPG' sa draft o yung nauna kong ginawang chapter 37 kaso nagkaroon ng problema kaya kinailangan kong ulitin yung chapter at sa kasamaang palad,hindi ko nailagay yung 'WARNING: Rated SPG'. Pasensiya na po talaga,guys. Sorry po lalo na doon sa mga readers ko na below 18 ang edad dahil nadumihan ko ang pagka-inosente ninyo. Sorry. 'Yon lang. Love y'all!

-------------------------------------------------.
                  JAZLEEN

NAGISING ako dahil sa pakiramdam na parang may nakatitig sa akin. Unti-unti akong nagmulat ng mga mata at agad na napangiti nang makita kung sino ang napakagwapong nilalang ang nakatitig sa akin. Nakatagilid itong nakahiga sa tabi ko at nakangiting nakatitig sakin.

"Good morning,honey."

Nakangiting bati nito sa akin sabay halik sa labi ko.

"Good morning."

Tugon ko naman. Hindi siya nagsalita at nanatili lang na nakatitig sakin habang parang sirang nakangiti.

"What?"

Nahihiyang tanong ko sa kaniya nang makaramdam ng pagkailang.

"Ito na ang pinakamasayang umagang naranasan ko sa tanang buhay ko."

Saad niya sabay yakap sa akin.

"I can't explain what I'm feeling right now,Jaz. Sobra-sobrang saya ang nararamdaman ko. Kung panaginip man 'to,ayoko nang magising."

I hugged him back.

"Vlad,you're not dreaming."

"Yes I know,honey. But I just can't believe that I'll be this happy. Simula nang mawala ang mga magulang ko, hindi ko na naranasan ang maging masaya nang ganito. Oo masaya ako kapag kasama ko sina Top pero iba ang nararamdaman kong saya ngayon. I can't explain it. Hindi ko inaasahang magiging ganito tayo. "

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Ako rin,Vlad. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko nasa ulap ako."

I heard him chuckled.

"So this is how it feels like to be with your mate. Ang tagal kitang hinintay,Jaz. And now,you're finally here."

Humiwalay ako ng yakap sa kaniya.

"What do you mean?"

Naguguluhan kong tanong.

"Vampires and werewolves do have mates to be with for the rest of their lives. Bawat isa,may nakatakdang magiging kabiyak. At kapag ang isang bampira o lobo ay nakita na ang nakatakda para sa kaniya, hindi na niya magagawang umibig pa sa iba. Ito ang nais kong iparating sayo kagabi. Maaaring magbago ang puso mo sa'kin. Maaaring dumating ang araw na hindi mo na ako ibigin ngunit ako,kailan man hindi magbabago ang puso ko at ikaw parin ang isisigaw nito kahit anong mangyari dahil ikaw ang babaeng nakatakda para sa'kin. This might be unfair for me but what can I do? The world is unfair and I have nothing to do to change it so I just have to accept it."

Vampire Series #1: Total Stranger Where stories live. Discover now