JAZLEEN
PANG-GABI ang duty ko ngayon at magkaiba kami ni CX ng duty. Iyon parin ang duty niya at ako lang ang naiba. Haisstt...
"Hi. Good evening po. Kamusta po ang pakiramdam niyo?"
Tanong ko sa pasyenteng babae na may Amoeba.
"Ahh..Nurse medyo masama parin ang tiyan ko at parang nilalagnat ako."
"Ah ganun po ba? Kamusta naman po yung nilalabas natin?"
Tanong ko naman na tinutukoy ang dumi niya.
"Tubig parin po siya Nurse."
"Ah ganun po ba? Oh sige igpatuloy niyo po ang pag-inom niyo ng gamot. Tsaka bawal po ang mga mamantika hah? Iyan lang po dapat ang kinakain niyo hah?"
Turo ko sa tray na may lamang kanin,apple at saging.
Nakangiti naman itong tumango.
"Sige magpagaling po kayo."
"Salamat po."
Lumabas ako sa Female Ward tsaka nagtungo naman sa ward na kinaroroonan dati ni Hope. Medyo malayo pa ang nilakad ko dahil hiwalay ang building ng mga cancer patients pero sanay naman na ako. Pagkapasok ko ay parang kinurot ang puso ko nang makita ang hospital bed ni Hope.
Namimiss ko na ang batang 'yon..
Bumuntong hininga ako tsaka chineck lahat ng batang pasyente roon na natutulog na. May napansin akong batang babae banda sa may bintana. Hindi pa siya natutulog at nakatulala lang sa labas ng bintana.
"Anong tinitignan mo?"
Malumanay na tanong ko sa kaniya..
"Nurse,sino po ang lalaking 'yon?"
Tumingin ako sa bandang baba na tinuro niya. May lalaking naka-itim sa labas at may pinaglalaruang patalim sa kamay. Kinabahan ako dahil nakangisi siyang nakatingin sa amin. Napalunok ako bago isinara ang bintana at kurtina.
"Huwag na huwag ka nang sisilip sa bintana,ok? "
Kumurap-kurap siya.
"Bakit po? Kukuhain niya po ba ako?"
Umiling ako at ngumiti.
"Basta,sundin mo ang sinabi ni Nurse Jaz, ok?"
Tumango ito.
"Sige na,matulog ka na."
Inalalayan ko siyang mahiga tsaka kinumutan.
Nanginginig ang mga paang lumapit ako sa switch ng ilaw tsaka pinatay iyon. Isinara ko ang pinto at naglakad pabalik sa Nurses' Station.
Habang naglalakad ako ay hindi mawala sa isipan ko ang ngisi ng lalaking iyon. Nakakakilabot siya. Natatakot ako baka saktan na naman nila ako. Kailan ba nila ako patatahimikin? Bakit ba ayaw nilang maniwala na wala akong alam tungkol sa punyal?
Habang naglalakad ako sa madilim na hallway ay nakakaramdam ako ng malamig na hangin. Napahinto ako sa paglalakad at pinagmasdan ang paligid. Rinig na rinig ko ang pagkalabog na puso ko. Sobrang kinakabahan ako dahil iba talaga ang pakiramdam ko rito. Pakiramdam ko ay may nagmamasid sa akin.
Buong lakas akong nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa may kung ano akong nakitang anino ng lalaking nakatayo sa may bandang huli ng hallway. Dahan-dahan akong napaatras. Unti-unti siyang lumalapit sa akin. Nakikita ko ang pag-ikot ng patalim sa kamay niya.
Gusto kong sumigaw pero parang pati ang boses ko ay naduwag na rin 'ata.
YOU ARE READING
Vampire Series #1: Total Stranger
VampirosJazleen Bueno is a human living a simple life as a nurse. Her life is always in danger and it started when she was in college. Fear consumed her the very first time a suspicious man tried to hurt her. Everytime her life is at risk, a mysterious guy...