W A R N I N G : 🔞
JAZLEEN
NANDITO na kami ngayon sa reception at kasalukuyan nang nagbibigay ng mensahe ang bestman dahil nagsimula na ang program.
"Hey,man."
Lumapit ito sa lamesa namin ni Vlad na nasa harap tsaka kapwa kami binati habang may hawak itong mic.
"Congratulations to the both of you."
Dagdag pa nito.
"To my bestfriend,Vlad and of course to his beautiful wife, maligayang pag-aasawa. Vlad,man, grabe....grabe talaga. Maniwala ka man sa hindi, I can't believe na kasal na kayo. Parang hindi nagsi-sink in sa utak ko na nagpakasal ka na kasi naalala mo noong college tayo, wala kang kainte-interes sa mga babae. Napakadami nilang binasted mo kaya akala ko wala kang balak na pumasok sa relasyon. Know what, honestly, I thought you're a gay and I am the one you love that's why-"
"Damn you,Topiaz!"
Natatawang pagpigil ni Vlad sa sinasabi ni Top. Halos lahat kami natawa dahil sa naturan nito.
"Pero seryoso. Hindi talaga sumagi sa isipan ko na ikakasal ka balang araw pero ngayon tignan mo. Kasal ka na at halatang baliw na baliw ka sa asawa mo. Heto pa, inunahan mo pa talaga kami?"
Napahilot ito ng sentido habang tumatawa.
"Man, ang wish ko lang para sa inyong dalawa, sana magtagal kayo at kayanin niyo lahat ng pagsubok na kakaharapin niyo. I know you two are strong. Sana biyayaan kayo ng Diyos ng napakasayang pamilya. And I would like to thank the bride,Jaz, for loving my bestfriend kahit na halimaw siya. Thank you for everything that you did to him. Sana kayanin mo hanggang dulo ang pagiging asawa niya lalo na't halimaw 'yan pagdating sa giyera sa-alam mo na."
Naghiyawan ang mga tao dahilan para kapwa kami mahiya ni Vlad.
"Man, ngayon pa lang sasabihin ko na, ninong ako ah? 'Yon lang. Congratulations ulit. "
Nang magpalakpakan ang mga tao, sunod namang nagbigay ng message ang maid of honor.
"Hi,bestfriend. Congratulations!"
Magsiglang bati nito sa akin na kaagad kong sinuklian ng matamis na ngiti.
"You know I hate talking too much so I won't make this long. I just want to congratulate you guys dahil sa wakas,kasal na kayo. Sana maging masaya ang pagsasama ninyong dalawa at biyayaan nawa kayo ng Diyos ng maraming supling. Again, congratulations! Oh, and by the way-"
Mapanukso itong tumingin sa akin tsaka kinindatan ako.
"Tandaan mo ang mga sinabi ko sa'yo ah."
Nang ma-gets ang tinutukoy niya, napatawa nalang ako tsaka pinagmasdan siyang kumendeng pabalik sa upuan niya.
Sunod na tumayo sa upuan niya si Deshawn tsaka kinuha ang mikropono.
"Good evening,people."
Bati nito sa mga bisita na sinuklian naman ng mga ito ng masayang pagbati.
"You guys look perfect. Sana all."
Panimula nito dahilan para makarinig ako ng mahinang tawanan mula sa mga bisita.
"Maligayang pag-aasawa sa inyong dalawa."
He looked down and laughed silently making Vlad throw his shoe at him. Kaagad naman nitong nasalo ang sapatos tsaka pinigil ang tawa nito.
"You,moron,what's so funny? Stop laughing or I'll beat you."
He said with a cold voice. Kahit na gano'n ang boses niya, alam kong may pinipigil itong tawa.
YOU ARE READING
Vampire Series #1: Total Stranger
VampireJazleen Bueno is a human living a simple life as a nurse. Her life is always in danger and it started when she was in college. Fear consumed her the very first time a suspicious man tried to hurt her. Everytime her life is at risk, a mysterious guy...