NORTHERN
"NORTHERN, nakapasok ka na ba?"
Rinig kong tanong ni Vlad sa akin mula sa suot kong earbuds.
Pa-simple akong sumagot upang hindi mahalata dahil papalapit na rin ako sa entrance."Papasok pa lang ako."
Pinilit kong maglakad nang kumportable habang papalapit ako sa entrada ng Pleasure House. Kaagad akong hinarang ng dalawang dambuhalang bouncer.
"Hi,magandang gabi."
Masigla kong bati sa kanilang dalawa na kapwa masama ang tingin sa'kin. Pinakita ko rin ang dala kong pekeng ID.
Kapwa nila bahagyang ibinaba ang suot nilang sunglasses.
Tssk. Gusto ko sanang magtanong ng "Where's the sun?" Kaso baka pumalpak lang ang plano namin nang dahil sa'kin."H-hi? Pwede na ba akong pumasok?"
Masigla kong tanong pero kinunutan lang ako ng noo.
Mga pipi ba ang mga 'to?!"North, stop smiling. Hindi palangiti ang nilalaro mong karakter ngayon. Be serious."
Kaagad nagbago ang ekspresyon ng mukha ko nang sabihin iyon ni Vlad.
Pa-simple akong tumikhim."Hayysstt. Ang hirap pala talagang maging palangiti. Sinubukan ko lang naman kaso nagmukha 'ata akong tanga."
Kapwa sila nagkatinginan.
"Hindi pa ba ako pwedeng pumasok? Medyo mabigat itong dala kong droga mula kay Mr. Oquenzzo."
Gaya ng sabi ni Vlad, pinilit kong maging seryoso para hindi ako mabuking.
"Password."
Halos maluwa ang mga mata ko nang sabihin iyon ng isa sa kanila. P-password? Seryoso ba sila? Bakit walang sinabi sa'kin si Vlad?!
"A-ah...p-password?"
Medyo may kaba ang boses ko dahil maaaring mabigo ang plano namin nang dahil sa'kin.
Gusto kong tanungin si Vlad pero hindi maaari.
F*ck! I don't know the password?! Vlad!! Sh*t! Sh*t! Sh*t!"Bilisan mo hindi lang ikaw ang papasok."
Saad ng isa sa kanila kaya napalingon ako sa likod. Si Maddison ang una kong nakita na masama ang tingin sa'kin.
Mukhang natutunugan niya ang nangyayari."O-ok. Of course I know the—"
"Pwedeng mauna muna akong pumasok sa kaniya?"
Putol ni Mad sa sasabihin ko tsaka parang model na naglakad papalapit sa'min.
T-teka....si Mad ba talaga 'to?! She looks like a total b*tch!Halos maluwa ang mga mata ko nang naglalanding hinaplos niya ang dibdib ng isa sa kanila.
"Malapit na akong mag-perform baka malugi ako nito nang dahil lang sa empleyado na 'yan."
She whispered sexily making the two giants gulp.
Tssk. Masyado naman 'atang ginagalingan ni Mad ang pagtatrabaho niya."Ahm. P-password."
Nauutal na saad ng isa. Matamis na ngumiti si Mad tsaka bumulong sa kanila. Nang matapos ay sabay itong tumango.
"Ano ang pangalan mo,Miss?"
"I'm Emily Dizon."
Nakangiting saad ni Mad. Emily? Funny.
"Ay ikaw ba ang sinasabi nilang bagong papasok rito?"
"Uh-huh."
Tangong sagot ni Mad sabay hawi ng mahaba niyang buhok.
YOU ARE READING
Vampire Series #1: Total Stranger
VampireJazleen Bueno is a human living a simple life as a nurse. Her life is always in danger and it started when she was in college. Fear consumed her the very first time a suspicious man tried to hurt her. Everytime her life is at risk, a mysterious guy...