VLADIMIR
"DO YOU THINK MAD WILL AGREE,MASTER?"
Tanong ni Nolan nang tuluyan na naming nilisan ang lugar na 'yon. May isang tao kaming tinagpo roon na siyang tumulong sa amin para mahanap namin ang nasabing 'Pleasure House.'
Isang lugar kung saan nangyayari ang isa sa napakarami nilang masasamang balak.
Ngayong alam na namin kung saan gaganapin ang plano nina Oquenzzo, magagawan na namin ng paraan kung paano sila mapipigilan."I'm not sure about that Nolan but she has no choice. Kailangan niyang gawin 'yon sa ayaw at sa gusto niya."
"Yeah. Hindi ako makapaniwalang gagawin na natin 'to kaagad mamayang gabi. This is kinda quick."
Muli niyang saad habang nasa kalsada ang tingin.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya tsaka dumungaw sa bintana ng sasakyan."Ano ba kasing nangyari doon sa inutusan mong magmasid? He's news is fvckin' late. "
Iritado kong saad. Ilang buwan ko nang inutusan si Nolan na magpadala ng magmamasid roon pero ngayon lang nakapagbigay ng impormasyon kung kailan kulang na kulang na kami sa oras para makapagplano.
"I'm sorry about that,Master. Baguhan lang kasi siya roon kaya hindi niya kaagad nalalaman ang mga mangyayari roon. Mabuti nalang at nagawan niya ng paraan kanina"
"Yeah,whatever—wait, will you stop calling me 'Master'? How many times do I have to tell you that I don't like it? It's fvckin' cringey."
"I'm sorry,but you're my master so—"
"Yes, I am so why can't you obey me? You're calling me 'Master' yet you keep on disobeying me. What's the point of calling me that? Iniuutos ko sa'yo na tigilan mo na ang pagtawag sa'kin niyan. Anong mahirap doon?"
Dahil sa inis, nataasan ko na siya ng boses.
"I'm sorry. Sa tingin ko hindi ko na maaalis 'yan dahil nakasanayan ko na.At isa pa, sinusunod ko ang yapak ng aking ama. At isa pa ulit, iyan lang naman ang utos mong hindi ko masunod-sunod. Sinunod ko na nga ang utos mong huwag masyadong maging pormal sa pakikipag-usap sa'yo eh. Nag-iisa na lang 'yan kaya pagbigyan mo na ako,Master."
He pouted his lips and blinked several times. N-nagpapa-cute ba siya?!
Halos masuka ako nang umarte siyang bata sa'kin. What the fvck?!"Do you want me to kill you?! Stop doing that!"
"No. I'm sorry,Master. Wait, pag-aawayan na naman ba natin 'to,Master? We've been arguing about this for a few years now. "
Sinamaan ko nalang siya ng tingin. Ayoko nang pahabain 'to mukhang hindi na magbabago ang isip niya.
"I think I should fire you."
"You sure about that,Master?"
"Yes."
I heard him chuckled. Wait, tinatawanan ba ako ng mokong na 'to? Ako na si Vladimir Yvonov?
"Why are you laughing,you dimwit?"
"Because I know you can't do that,Master. Kung sisisantehin mo 'ko, mawawalan ka ng magaling,gwapo at maaasahang kanang kamay. You know, you can't find someone like me. Nag-iisa lang ako sa mundo,Master."
I smirked.
"Yeah. I agree with that.Nag-iisa ka nga lang talaga sa mundo."
Tumingin ito sa'kin na may matamis na ngiti.
"See?"
"Yeah,because you're a very special kind of stupid. "
Biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya tsaka muling ngumuso na ikinainis ko.
YOU ARE READING
Vampire Series #1: Total Stranger
VampireJazleen Bueno is a human living a simple life as a nurse. Her life is always in danger and it started when she was in college. Fear consumed her the very first time a suspicious man tried to hurt her. Everytime her life is at risk, a mysterious guy...