Chapter 43

361 26 0
                                    

                  JAZLEEN

NANG makalapag ang aming eroplano, halos dalawang oras pa kaming bumiyahe upang marating ang bagong bahay na titirhan namin. Mag-uumaga na nang makarating kami sa lugar na 'to. Pero hindi pa tuluyang nakakasikat ang araw sa mga oras na 'to.

"What is this place?"

Tanong ni North nang makababa siya ng sasakyan. Lahat kami may kaniya-kaniyang libot ng paningin si paligid maliban si Vlad na pinagmamasdan lang kami.

"Probinsiya na 'to,hindi ba?"

Tanong naman ni Deshawn. Vlad nodded.

Kahit medyo madilim pa ang kalangitan, kita ko parin ang mga pananim na nakatan rito. Mga puno, at iilang tambayan na sigurado akong masarap tambayan lalo na kapag tanghali. Masarap din ang simoy ng hangin rito.

"Hindi kilala ang lugar na 'to kaya ito ang napili kong pagtayuan ng bahay."

"Wala bang mga taong nakatira rito?"

I asked. Napansin ko lang kasi na halos wala akong bahay na makita. Meron man pero malayo sa kinatatayuan namin.

" Sorry if I didn't tell you guys. I bought this land five years ago."

"What?!"

Hindi makapaniwalang tanong ni North kay Vlad. Hindi na ako nagulat sa tinuran ni Vlad. Wala pang isang taon simula noong makasama ko sila kaya inaasahan ko nang marami akong bagay na hindi alam sa kanila. Tsaka isa pa, nabanggit na nila sa akin noon na maraming negosyo si Vlad at Top. Bukod pa roon ang negosyong pag mamay-ari nilang lahat. Teka....paano nila napapatakbo ang mga negosyo nila kahit wala sila roon?

"Man, five years?! Bakit ngayon mo lang 'to sinabi sa'min?"

Ma-dramang tanong ni North na akala mo'y umaarte sa isang korean drama.

"Ang OA mo, brother-mine."

Nasusurang saad ni South tsaka inakbayan si Vlad.

"You bought this land so you could build a house?"

"Yeah."

"Pero masyadong malawak 'to para sa iisang bahay. Sa sobrang lawak ng lugar na 'to, pwede ka nang magtayo ng sariling paliparan." 

Nakangising saad naman ni Deshawn habang nililibot ang paningin.

"And where is the house? Don't tell me magiging kagaya ni Tarzan ang pamumuhay natin rito."

Natawa kami sa naturan ni North. Kahit ako nagtataka rin kasi wala akong bahay na makita maliban sa kubo na nilagpasan namin.

"Magpapanggap ba tayong magsasaka para hindi nila tayo mahagilap? Man, hindi ako handang isuko ang maganda kong balat."

Pigil ang tawang nilingon ko si Vlad na mukhang hindi natutuwa sa reklamo ni North. Para sa akin, ayos lang mamuhay bilang magsasaka at magkaroon ng simpleng pamumuhay. Mas gusto ko nga iyon kaysa nakatunganga lang ako sa bahay.

Hindi na sumagot si Vlad. Bagkus ay may tinawagan ito. Habang nakatayo kami roon, bigla akong hinatak ni Mad tsaka lumayo sa mga kalalakihan.

"Picture tayo."

Excited na saad nito na ikinatango ko. Matagal-tagal na rin simula nang pumunta ako sa magandang lugar at kumuha ng litrato doon. Nakakatuwa rin na may babae akong nakakasundo rito.

"Hoy sali kami!"

Sabay-sabay na saad nina North tsaka nag-uunahang lumapit sa'min.

"Vlad!"

Vampire Series #1: Total Stranger Where stories live. Discover now