JAZLEEN
KASALUKUYAN kaming palabas ng mansion ngayon ni Vlad dahil gaya ng sinabi niya kagabi, ipakikilala niya ako sa mga trabahante niya rito. Naisipan naming lunch break namin sila puntahan para raw hindi namin sila maistorbo sa trabaho nila.
Inayos ko muna ang suot kong off shoulder dress bago ako inalalayan ni Vlad makasakay sa golf cart na naroon na sa labas dahil may kalayuan ang kinaroroonan ng mga trabahante ni Vlad.
"Kinakabahan ako."
Kabadong saad ko nang sandaling paandarin niya ang sinasakyan naming golf cart.
I heard him chuckled."Bakit ka naman kinakabahan? Hindi ka naman nila kakainin,hon."
"Hindi ko rin alam eh. Basta kinakabahan ako."
Sinulyapan ako nito tsaka ngumiti.
"'Wag kang kabahan,ok? I'm sure they will like you. "
Tipid akong ngumiti tsaka tumango.
Napakalawak ng lupaing 'to ni Vlad. Napakaraming pananim at mga iilang hayop sa paligid.
Nakakatuwa rin pagmasdan ang mga naggagandahang bulaklak mula sa malayo. Halos lahat siguro nandito na. Mala paraiso....
Idagdag mo pa ang asul na kalangitan. Napakaganda talaga rito!"Ayun na sila."
Parang mas lumala ang kaba ko nang marinig ko ang sinabi ni Vlad. Muli ako nitong sinulyapan.
"Don't be nervous,honey. It's ok, hindi sila nangangagat."
Hingang malalim lang ang tangi kong naisagot tsaka sinulyapan ang mga tauhan ni Vlad sa 'di kalayuan. Marami-rami silang naroon. Mayroong mga may edad na babae, mga naglalarong bata at iilang dalaga.
Masaya silang kumakain sa labas. Pansin ko ang ilang kabahayan roon na sa pagkakahula ko ay ang kani-kanilang mga tahanan.
"Sir!!"
Kaagad na bati ng ilang kalalakihang kumakain nang matanaw kaming paparating. Kaagad kumaway ang ibang naroon nang marinig ang pagbati sa amin ng ilang magsasaka.
Mukhang maayos na maayos ang pakikisama nila kay Vlad. Nakakatuwa naman. Pakiramdam ko, wala na ang kaba ko at napalitan na ito ng saya.Nang sandaling ihinto ni Vlad ang golf cart, kaagad lumapit ang ilang magsasaka sa amin tsaka masaya kaming binati.
"Magandang tanghali,Sir. Magandang tanghali rin po,Ma'am."
Bati nila sa amin na sinuklian ko ng matamis na ngiti.
"Magandang tanghali rin po."
"Magandang tanghali,sir!"
Rinig ko bati ng iba sa 'di kalayuan.
"Magandang tanghali sa inyo."
Bati sa kanila ni Vlad tsaka kumaway. Nang tuluyan na kaming makalapit sa kanila,kaagad akong nakaramdam ng kaba nang tignan nila akong lahat. Naramdaman ko ang paghawak ni Vlad sa kamay ko tsaka pinisil iyon.
"Upo po kayo. Kain tayo."
Pag-yayaya ng isang may edad nang babae sa amin.
"Sige lang po."
Sagot ni Vlad tsaka inalalayan akong maupo sa tabi niya.
Sa totoo lang, mukhang mababait naman sila pero nahihiya akong magsalita. Hindi ko alam kung bakit."Sir, napadalaw ho kayo?"
"Ah may mahalaga lang akong sasabihin sa inyo,kuya Bert."
"Ano po 'yon?"
YOU ARE READING
Vampire Series #1: Total Stranger
VampireJazleen Bueno is a human living a simple life as a nurse. Her life is always in danger and it started when she was in college. Fear consumed her the very first time a suspicious man tried to hurt her. Everytime her life is at risk, a mysterious guy...