Chapter 04

603 30 0
                                    

                   JAZLEEN

PAGULONG-GULONG ako sa higaan. Hindi ako makatulog dahil sa nangyari kanina. Ala-una ng madaling araw pero gising na gising parin ako.

Nagkagulo kanina sa hospital dahil sa bangkay ng lalaki. Buong akala nila ay nag-suicide ito.

Hindi ko masabi sa kanila ang totoong nangyari dahil natatakot ako at puro katanungan sa isip ko ang bumabagabag sa akin. Ramdam ko parin ang takot loob ko at sariwa pa ito.

Bakit ba nila ako sinusundan? May nagawa ba akong mali sa kanila? Bakit gusto nila akong patayin? Bakit?

Paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko ang sinabi ng estrangherong lalaki sa masamang lalaki.

'Hayaan niyo na siya!'

Kahit nakakatakot ang pangyayari ay parang hinaplos ang puso ko dahil sa sinabi niya.
Naramdaman ko ang galit sa tono ng boses niya at naramdaman ko rin ang pagprotekta niya sa akin.
Iyon ang mga naramdaman ko sa pangyayaring 'yon kanina.

Bakit kaya niya ako prinoprotektahan? Ang dami ko nang bakit kaya sana magpakilala ka na sakin at nang masagot mo ang mga katanungang bumabagabag sa akin.

Bumaba ako sa kusina para kumuha ng tubig. Napangiwi ako nang maramdaman ko ang sakit sa leeg ko dala ng pagsakal sa akin kanina nung lalaki.

Pakiramdam ko ay lalagnatin ako dahil kakaiba ang temperaturang naramdaman ko sa katawan ko.
Kumuha ako ng gamot at inimon ko iyon. 

Narinig kong may pababa kaya dali-dali akong nagtakip ng telang nasa may sampayan. Nilagay ko iyon sa leeg ko upang hindi makita ni lola.

"Oh apo,bakit gising ka pa?"

Agad na tanong sa akin ni lola dahilan para makaramdam ako ng munting kaba.

"Ahh nagising po kasi ako sa uhaw kaya bumaba po ako."

Napatingin siya sa leeg ko kaya mas lumala ang kabang nararamdaman ko.

"Anong meron diyan sa leeg mo, bakit may telang nakatakip?"

"Ah wala po lola. Gagamitin ko po kasi itong telang 'to kaya nilagay ko po muna dito sa leeg ko."

Pagpapalusot ko.
Kapag nakita ito ni lola,sigurado akong mag-aalala siya kaya hindi ko nalang 'to sasabihin sa kanya.

"Sige po lola,aakyat na po ako."

"Oh sige. Matulog ka na hah?"

"Opo."

Nangingiwing umakyat ako sa kwarto ko. Kinuha ko ang isang cream sa drawer ko tsaka pinahid iyon sa leeg para maibsan ang pamamaga sa ko sa leeg.

Sana mawala agad 'tong pasang 'to.

Hindi talaga ako makatulog kaya umupo ako at napayakap sa sariling tuhod.

Bakit ba ito nangyayari sa akin? Ano ba ang kasalanan ko sa kanila? Tahimik lang naman ang buhay ko kasama si lola kaya paano ako magkakaroon ng atraso sa kanila?

Humarap ako sa salamin ng kwarto ko at bahagyang hinaplos ang pasa sa leeg ko. Bakas rito ang mga daliri ng lalaki. May kaunting sugat rin sa gilid na talagang napakahapdi.

Naiyak ako nang maisip kong nasa panganib ang buhay ko. Nag-aalala ako kasi baka pati si lola Azon saktan din nila. Ayokong mangyari iyon. Paano kung pati sina manang Precy at manong Edu ay gamitin nila laban sa akin? Paano kung pati si Hope ay saktan nila?

Vampire Series #1: Total Stranger Where stories live. Discover now