Prologue

1.4K 43 1
                                    

KASALUKUYAN akong naglalakad patungo sa eskwelahan. Sinaksak ko sa cellphone ko yung earphones tsaka nilagay sa tenga ko. Napangiti ako sa tugtog na 'Best Part by Daniel Caesar ft. H.E.R.'. Isa sa mga paboritong kanta ko ang kantang ito.
Sinasabayan ko ang tugtog habang ako ay naglalakad.

          'You don't know babe,
        When you hold me,and kiss
        me slowly,it's the sweetest thing..
        And it don't change if I had it my
       way,you would know that you are..

       You're the coffee that I need in the
       morning
       You're my sunshine in the rain
       when it's pouring
       Won't you give yourself to me
       Give it all, oh
      
        Oh I just wanna see
        I just wanna see how beautiful you
        are
        You know that I see it
        I know you're a star
        Where you go I follow
        No matter how far
        If life is a movie,oh you're the best
        part...oh..oh..'

Malapit lang ang eskwelahan namin rito sa bahay namin kaya naman nilalakad ko lang. Wala akong mga kaibigan na sasabay sakin sa paglalakad kaya naman palagi akong nag-iisa. Ewan ko ba, simula pa noong elementarya ako ay wala akong natatandaan na nagkaroon ako ng isang matalik na kaibigan. Oo may kumakausap sakin pero hanggang doon lang 'yon. Hindi nila ako sinasamahan sa pagkain,pag-aaral,o sa mga tawanan. Hanggang ngayong magtatapos na ako sa kolehiyo ay wala parin akong nagiging bestfriend. Saktong friend lang ang meron. Friend kung may kailangan sila sakin.

Hindi ko alam ang pakiramdam ng mayroong isang kaibigan. Yo'ng tipong buong araw kayong magkasama na parang mga baliw na nagtatawanan? Gusto kong magkaroon ng isang kaibigan. Minsan nga ay tinatanong ko sa sarili ko kung ano ba ang meron sakin bakit wala akong kaibigan? Siguro dahil ito sa ugali ko. Tahimik lang kasi akong tao at palagi lang nasa isang sulok. Mabuti nga at hindi ako nabu-bully eh. Tanging cellphone at mga libro ko lang ang palagi kong kasama. Hayyysstt....


Pagkapasok ko sa eskwelahan ay pumunta muna ako sa cafeteria upang bumili ng kape. Maaga pa naman at mayroon pa akong 30 minutes na natitira bago magsimula ang klase. Malamig kasi ang panahon ngayon kaya masarap magkape. Natagalan akong ubusin yung kape ko kaya naabutan ako ng bell. Dali-dali ko iyong hinigop. Pagkatapos kong magkape ay umakyat na ako sa taas kung nasaan ang room namin. Pagkapasok ko ay syempre tulad ng nakasanayan ko, magulo ang lahat. May mga sariling mundo sila. May nagchichikahan,may nagce-cellphone lang,may nagbabasa ng libro, may kumakanta kahit sintonado at may nagtatawanan na para bang wala nang bukas.  Bumuntong hininga ako tsaka naglakad patungo sa upuan ko sa may bandang likod malapit sa may bintana kung saan nakikita ko ang hardin ng campus namin. Ang ganda talaga ng pwesto ko rito kaya sasakalin ko talaga kung sino mang mapangahas na aagaw sa upuan ko.

Mahilig ako sa mga halaman at marami ako nito sa bahay. Tinutulungan ako ng lola ko na alagaan silang mabuti. Oo nga pala,wala na akong mga magulang kaya si lola Azon ko nalang ang nag-aalaga simula pa noong ipinanganak ako. Ang kwento sa akin ni lola, namatay ang  nanay ko pagkatapos niya akong ipanganak. Ang tatay ko naman ay iniwan ang nanay ko pagkatapos niyang malaman na buntis ito. Mga bata pa kasi sila noong nabuntis si mama. Labing-walo si mama at dalawampu naman si papa. Pulis ang papa ng ama ko kaya natakot siya at tinakbuhan ang responsibilidad niya sa amin ni mama kaya hindi ko siya nakilala. Noong ako ay 2nd year high school naman ay nabalitaan naming namatay ang papa ko dahil sa isang aksidente. Kasama niya sa aksidenteng iyon ang asawa at ang anak niya. Kahit galit ako sa kanya ay naaawa rin ako. Mahal ko siya kahit siguro ay hindi niya ako mahal at tanging iisang anak lang ang inaalala niya.

Vampire Series #1: Total Stranger Where stories live. Discover now