CHAPTER 56

164 11 0
                                    

                     JAZLEEN

IT'S BEEN  a week since Vlad and I got married.
Kasalukuyan akong naririto ngayon sa rooftop kasama si Hope dahil kahit papaano, paunti-unti ay nakakalakad na ako.

Last night, she slept beside me and Vlad because today is going to be her last day here and I'm kinda sad. Dahil kasi sa nagkasakit ako, hindi ko natupad ang pangako kong pagbo-bonding namin. Balak ko rin sana siyang ipasyal rito kaso hindi naman ako makalakad.

"Hope, pasensiya ka na talaga kung hindi ko natupad ang pangako ko sa'yo ah?"

Pagkausap ko rito na kasalukuyang kumakain ng ice cream.
Natuwa ang puso ko nang matamis itong ngumiti sa akin.
Her smile is brighter than the sun. I'm gonna miss it...

"Ok lang po sa akin 'yon, ate Jaz. Naiintindihan ko naman na hindi mabuti ang pakiramdam mo eh. Ang mahalaga, nakapagpahinga ka. May susunod pa naman po, 'di ba?"

Mabilis akong tumango sa kaniya.

"Oo naman Hope. Meron pa namang susunod. Maraming-marami pang susunod."

"Sana naman po kapag nagkita tayo ulit, hindi na masama ang pakiramdam mo at sana ok na ang paa mo."

Natutuwa ako sa pag-uugaling ipanapakita ni Hope pero medyo natawa ako sa huli niyang sinabi. Mabuti at napigilan ko kaagad 'yon nang hindi niya napapansin.
Ang sinabi ko kasing dahilan kung ba't hindi ako nakakalakad ay natipalok ako dahil sa suot kong mataas na heels noong kasal ko.
Masyado pa kasi siyang bata para malaman ang totoong dahilan.

I'm sorry I lied,Hope. You're too young and innocent to know the real reason why I couldn't walk.huhu

"S-sana nga,Hope. Pero 'wag kang mag-alala, aalagaan ko ang sarili ko para hindi na ako magkasakit para kapag nagkita tayo ulit, wala nang sagabal sa pag bo-bonding natin."

Naglalambing na yumakap siya sa akin.

"Mamimiss po kita,ate Jaz. Palagi niyo na po akong tawagan ah?"

"Opo. Palagi kitang tatawagan."

Ibinaba nito ang hawak na ice cream sa center table tsaka kinuha ang cellphone ko.

"I-save mo po ang number ko at ang number namin sa bahay."

Saad nito tsaka inabot sa akin ang phone ko na kaagad ko namang tinanggap.
Dinikta niya ang number na nakakahangang memoryado niya.

"Mabuti at alam mo ang number niyo."

"Opo. Sabi po kasi nina Mommy at Daddy, mahalaga raw na alam ko ang number nila para mabilis ko silang matatawagan kapag kailangan ko sila."

Mahina kong kinurot ang pisngi niya.
Masaya akong napunta sa mabuting pamilya si Hope...

"Tama sila. Mabuti 'yan."

I watched her eat her ice cream and I found her super cute so I decided to take many pictures of her. Napansin niya iyon kaya naman niyaya niya akong mag-picture kaming dalawa.

Marami kaming nakuhang pictures sa kaniya na kaagad ko namang ini-upload sa facebook at instagram.

Ilang sandali pa kaming nanatili sa rooftop bago naming napagdesisyunang bumaba.
Nang makababa kami, saktong kararating lang ni Eve kasama si Tay Kulas.
Galing ito sa school niya kaya hindi sila nakapaglaro ni Hope kanina.

"Frenny!!!"

Sabay nilang saad sa isa't isa tsaka masayang nagyakapan.
Frenny? Tawagan kaya nila 'yon?

Vampire Series #1: Total Stranger Where stories live. Discover now