JAZLEEN
MAAYOS na ang lagay ko at salamat naman sa Diyos. Kakatapos ko lang magtrabaho at papunta kami ngayon ni CX sa bahay ng poster-parent ni Hope dahil nangako akong bibisitahin ko siya.
Bago kami pumunta sa bahay nina Hope ay namili muna kami ng regalo para sa kaniya.Nang makarating kami ay agad kaming inalalayan ng isa sa mga kasambahay papunta sa pool kung saan naroon sina Hope at ang mga bago nitong magulang.
I smiled when I saw Hope laughing while playing with her new parents. She's really happy and I can't help my tears from falling down as I saw her laughing genuinely.My Hope...I told you God will not let you be in the mud forever. He will be the light in your dark world and your guide 'til you reach the joy that you deserve.
Napatingin ako kay CX nang punasan niya ang mga luha sa mga mata ko.
"Tama na Ms.Snowman. Halika na."
Nginitian ko siya tsaka humakbang papalapit sa kinaroroonan nina Hope.
"Hope?"
Agad na nabaling sa akin ang atensiyon ni Hope at para itong nanalo ng lotto nang makita kami ni CX.
"Ate Jaz, Kuya CX!!!"
Tumakbo ito papalapit sa amin tsaka sabay kaming niyakap ni CX.
"Namiss ko po kayo,ate Jaz. Akala ko po hindi niyo na ako bibisitahin."
Nakangusong saad ni Hope.
"Pwede ba naman naming kalimutan ang munting anghel namin?"
Nakangiting saad ko tsaka kinurot ang pisngi niya.
"Hi Hope,namiss kita."
Saad ni CX tsaka niyakap si Hope at hinalikan sa noo.
"Namiss din po kita,kuya CX."
"Mas lalo akong pumogi noh?"
Natawa ako sa sinabi ni CX lalo na nung umakto pa siyang model.
"Opo mas lalo ka pong gumwapo kuya CX! Bagay po kayo ni ate Jaz."
Inirapan ko naman si CX nang kindatan niya ako dahil sa sinabi ni Hope.
"Magandang hapon po."
Sabay naming bati sa mag-asawang umampon kay Hope.
"Magandang hapon rin sa inyo.Maupo kayo."
Umupo kami ni CX sa bakanteng upuan tsaka inilabas ang binili naming regalo kay Hope.
"Manang Delia, pakihandaan naman po kami ng meryenda."
Nakangiting pakikisuyo ng mommy ni Hope sa kasambahay nilang nagngangalang Delia.
"Look Hope, may binili kami para sa'yo."
Iniabot ko ang mga pinamili namin sa kaniya.
Napangiti ako nang napangiti siya sa tuwa. Ganoon pa rin si Hope kahit nasa mayaman na itong pamilya, nakukuha parin niyang mapansin ang mga maliit na bagay. She always appreciates those little things. Always."Ate Jaz, tinawagan ka po ni mommy noong nakaraang linggo pero 'di ka po sumasagot. Gusto sana kita no'n imbitahan dito kasi birthday ng daddy ko."
Nakangusong saad ni Hope. Nagkatinginan kami ni CX. Sinulyapan ko rin ang mommy niya na nakatingin rin sa akin. Natanggap ko ang tawag nila at sinabi ko ang nangyari sa akin sa mommy ni Hope pero pinakiusapan kong 'wag malang munang sabihin kay Hope dahil paniguradong mag-aalala ito.
"Pasensiya ka na Hope ah? Busy kasi si ate Jaz noong nakaraang linggo kaya 'di ko nasagot ang tawag ng mommy mo. Nandito naman na kami ni kuya CX mo ngayon so, ngayon nalang tayo mag-bonding."
YOU ARE READING
Vampire Series #1: Total Stranger
VampireJazleen Bueno is a human living a simple life as a nurse. Her life is always in danger and it started when she was in college. Fear consumed her the very first time a suspicious man tried to hurt her. Everytime her life is at risk, a mysterious guy...