Chapter 05

480 27 0
                                    

                     JAZLEEN

ILANG linggo na ang nakalipas  pero hindi parin kami nagkikita ng estrangherong iyon.
May kakaiba parin akong napapansin sa paligid lalo na kapag mag-isa lang ako at napakaswerte ko kasi may biglaang dumadating at tatawagin ako.

Nung isang araw nga,may kakaibang nangyari habang nasa Mall ako.

              FLASHBACK......

Day-off  ko ngayon kaya naisipan kong  pumunta sa Mall. Gusto ko kasing bilhan ng laruan si Hope para may libangan siya sa hospital kapag wala ako.

Mag-isa akong naglilibot sa Mall. Tumitingin-tingin ako sa paligid. Maraming laruan. Nilapitan ko ang isang laruan na doll. Sigurado akong magugustuhan ito ni Hope.

Tinignan ko yung presyo niya.

"350 pesos..."

Sambit ko. Kinuha ko ito tsaka naghanap pa ng iba. Nilapitan ko naman yung isang headband  na may heart na umiilaw sa magkabilang gilid nito. Napangiti ako dahil sigurado akong magugustuhan ito ni Hope.

Kumuha ako ng dalawang ganoon. Binayaran ko iyon sa counter tsaka pumunta naman sa Department Store para magtingin-tingin ng mga damit. May nakita akong damit pambata na sigurado akong magkakasya kay Hope.

Blouse ito na may mga iba't-ibang bulaklak. Terno nito ay maong na shorts. Kinuha ko iyon at naningin pa ng iba.
Kinuha ko rin yung dalawang terno na damit pantulog,kulay white at yellow.

Napapangiti ako sa ginagawa ko. Para akong nanay na namimili ng mga gamit ng anak niya. Sayang at walang parang tatay na tutulong sa'kin.

Biglang sumagi sa isip ko yung lalaki.

Haiisstt 'di mo 'yon makakasama mag-shopping. Ni hindi nga nagpapakilala sa'yo 'yon,sasama pa kaya sa pagsho-shopping? Tssss...

Nang makapili na ako ay binayaran ko na sa counter.

Nakaramdam ako ng pagkagutom kaya naisipan ko munang kumain sa isang restaurant. Habang naghihintay sa inorder kong pagkain ay napansin ko ang isang lalaking naka-itim at may itim ring sombrero.
Na-trauma na 'ata ako sa all-black kaya palagi akong kinakabahan kapag nakakita ako nito.

Hindi ko pinahalata sa kaniya na na napansin ko siya at kinakabahan ako sa presensiya niya.

Habang kumakain ako ay pasimple ko siyang pinagmamasdan.
Nanginig ang hawak ko sa kutsara nang mapansin ko ang paulit-ulit na pagsulyap niya sa akin.

Masama ang kutob ko. Baka ito na nga ang sinasabi nung lalaking nagbanta sa akin na marami sila at hindi nila ako patatahimikin.

Bigla akong umiwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin. Pumunta ako sa C.R. upang doon ay hindi niya ako masundan. Balak ko siyang ligawin.

Pero,habang nasa isang cubicle ako ng C.R ay may narinig akong pumasok. Isa-isa nitong binubuksan ang mga cubicle na walang tao. Ako lang ang naroon sa loob kaya naman kinakabahan na ako. Palapit nang palapit na siya sa kinaroroonan ko at nung nasa tapat na siya ng kinaroroonan kong cubicle ay may biglang nahulog sa kaniya. Isa itong 'syringe' na may kung anong laman na kulay berde sa loob. Nalaman kong lalaki ito dahil sa suot niyang sapatos.

Paano siya nakapasok sa C.R. ng mga babae? Paano siya nakapasok rito,at Bakit?

Agad akong umapak sa bowl upang hindi niya makita ang mga paa ko at 'di niya malaman na naroon ako. Pumasok ang syringe sa cubicle at sigurado akong yuyuko siya upang tignan kung saan napunta  iyon.

Vampire Series #1: Total Stranger Where stories live. Discover now