Kabanata 31

407 28 3
                                    

Kabanata 31
Shifter

"ATE Iceia, salamat po."

Kumunot ang noo ko nang marinig ulit 'yon. Mula ng lumabas ako ng dormitoryo ay panay na ang pagpapasalamat sa akin ng mga nakakasalubong ko. Salubong na ang kilay ko dahil kanina pa ako naguguluhan sa mga inaasta nila. Isang pasasalamat pa at mananapak na talaga ako!

Kumunot ang noo ko nang may makitang kumpulan sa tapat ng building namin. Mga lalaking kaedaran ko 'yon na nakayuko at parang may ginagawang kung ano. Walo silang kalalakihan na gumagawa ng kalokohan.

"Wag po!" Boses 'yon ng isang batang babae.

Wala sana akong balak pansinin 'yon kung hindi ko lang nakita ang isang apat na taong gulang na batang babae na nasa gitna ng kumpulan ng mga siraulong ka-edad ko. Umayos kasi ng tayo ang isa para ihagis ang isang kahon sa lupa. Nasira ang kahon at tumilapon ang cake na laman no'n. Nagtawanan naman ang mga siraulong demonyo na 'to habang panay naman ang iyak ng bata. Sa eksenang pa lang na 'yon ay alam ko ng siya ang batang sumigaw kanina.

"Ang bad n'yo po! Ang bad bad n'yo!" Pinagsusuntok ng bata sa hita ang mga lalaki.

"Hit her and I'll bury you alive." I stated in my cold voice that made him put down his hand. Balak ng lalaking ito na suntukin ang walang kalaban-laban na bata. Nakikipag-away ako but never in my dreams na papatulan ko ang isang bata.

They all looked at me from head to toe as if their belittling me. No, minamaliit talaga nila ako. The way they look at me didn't affect me at all. Nang humakbang sila palapit sa akin ay agad akong nagpakawala ng suntok at sipa. I secretly casted a barrier for the kid to protect her from these demons. Baka mamaya ay siya ang sunggaban ng mga ito kapag napagtanto na nilang wala silang laban sa akin.

One of them grabbed my hair from behind that made me wince in pain. Hinawakan ko ang kamay niya at saka ipinilipit 'yon kasabay ng pagyuko ko paharap sa kanya. Sinipa ko ang aatake sana mula sa likuran ko kasabay ng paghila ko palapit sa akin ng lalaking may hawak sa buhok ko. Bago pa siya tuluyang sumalpok sa akin ay sinalubong na ng tuhod ko ang tagiliran niya. Nang maramdaman ko ang pagbitaw niya sa buhok ko ay saka ko siya sinipa ng buong lakas sa mukha.

Somebody kicked me on my back that made me almost kiss the wall. Nasundan 'yon ng pagyakap mula sa likuran ko ng kung sino kaya hindi ko maigalaw ang mga kamay ko. Bumwelo ako at umakyat sa pader bago bumwelo ulit para makatalon papunta sa likod niya. Kailangan niya akong pakawalan kung ayaw niyang mabalian. Itinaas ko ang paa papunta sa likod ng ulo niya para mariing ingudngod siya sa pader. 6 out of 8 was lying on the ground either with broken bones or bleeding nose. Masama kong tiningnan ang dalawang natitira.

"Leave."

"O-opo! Opo!" They bowed their head twice and was about to leave when I stopped them.

"Dalhin n'yo ang mga 'yan." Pinakawalan ko na ang lalaking isinubsob ko sa pader at saka nilapitan ang bata. I removed the barrier I made around her as I bent my knees to look at her closely.

"Ate!" Sinalubong niya ako ng yakap at umiyak siya sa balikat ko.

I blinked few times because I don't know how to woo her. Oo, hindi ako marunong magpatahan ng bata. I heaved a sigh and gently caressed her back. I can feel her body trembling from what happened.

"Ano bang ginagawa mo rito?" malambing na tanong ko.

"I was looking for you po." She distanced herself and looked at me with her swollen eyes.

"Kanina ka pa nila pinapaiyak." I gently wiped her tears with my thumb. Nakita ko ang paglampas ng tingin niya sa akin kaya alam kong ang cake ang tinitingnan niya. "Para sa akin ba 'yon?"

The Demon's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon