Kabanata 28
Contract"RYU." tawag ko sa kanya pagkapasok ko pa lang sa kusina.
Okay, self. Wala ng atrasan 'to. Don't be a coward and just tell him the truth.
"Hmm?" He glanced at me with a sweet smile oa
n his lips. "Gutom ka na ba? This will take long but I can cook another dish that's easy to cook if my queen's really starving."Inosente siyang ngumiti nang lumingon sa akin pero ramdam ko naman ang pang-aasar sa boses niya. Napatitig ako sa kanya.
Parang ayaw kong mawala ang ngiti sa labi niya. Napalunok ako. Alam kong marupokpok ka, Iceia Kanna Marie. Pero mas mabuting sabihin mo na bago pa mahuli ang lahat. It's now or never.
"Mag-usap tayo." seryosong wika ko. I know he heard me, but he chose to ignore me. He probably know what I am going to say. I heaved a sigh. "Void the contract, Eon."
After saying that, the temperature here become colder and black lines appeared on both of his arms and neck. Napalunok at napaatras ako nang patayin niya ang stove at madilim ang mukhang humarap sa akin.
"Give me a fucking valid reason, Kanna." He slowly walked towards me without taking off his gaze.
Nang tumigil siya sa harapan ko ay kinailangan ko pang tumingala para lang makipagtagisan ng tingin sa kanya. Kailangan kong ipakita sa kanya na seryoso ako kahit nangangatog na ang tuhod ko sa takot. His aura is creeping me out. I badly want to run but I can't because my knees are wobbling and I shouldn't because I have to do this.
"Because I'm no good for you." I answered then looked down. Tears formed in the corner of my eyes as I remember everything that happened to me in the mortal world. I love him but I can't be with him. I clenched my fist to gather strength para masabi ko sa kanya ang nararapat. "I'm tainted, Eon. I'm not pure. I'm no longer a virgin anymore. You're a royalty, and royalties like you deserve someone who's innocent and pure. Hindi ka nababagay sa malanding gaya ko. Ikaw ang hari rito at ayaw kong dungisan ang pangalan mo. So, void the contract now before I ruin you."
"I won't." He answered coldly that made me look at him angrily.
Hindi madaling sabihin sa akin ang bagay na 'yon pero ginawa ko para sa kanya. Dahil ayaw kong masira ang pangalan niya. But here he is, refusing to do what is right.
"Eon, makinig ka sa 'kin. Hindi ako nababagay sa 'yo, okay? Wala akong magandang maidudulot sa 'yo. Sisirain lang kita." Desperado na ang boses ko at nagmamakaawa na ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Nahihirapan akong lumunok kasabay ng pagtulo ng luha ko habang nakatingin sa kanya. "Hindi 'to madali para sa 'kin pero ito ang nakikita kong tamang gawin, Eon. H-hindi lang isang tao, Eon. M-marami sila. I'm doing you a favor so, please listen to me. Kahit ngayon lang, Eon. Void the contract now before anyone else find out na pokpok—"
"KANNA!" galit na sigaw niya kasabay ng malakas na pagyanig ng lugar.
Rinig ko ang pag-iingay at paglipad ng mga uwak sa labas. Pati na rin ang tila pagsabog ng isang bulkan. Mas lumamig din ang paligid. Patuloy pa rin ang pagyanig kaya ang mga gamit sa kusina ay nagbabagsakan na. Alam kong dahil 'to sa kapangyarihan ni Eon. At kahit natatakot ako ay kailangan kong ipagpatuloy ang nasimulan ko.
"It's the truth. Bukod sa pagiging malandi ay gold digger din ako. Mayaman ka at maganda ang katawan mo kaya hinahabol-habol talaga ki—" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang biglang mabasag ng sabay-sabay ang lahat ng mababasagin sa kusina. Impit akong napatili at napatakip ng tenga nang pati ang mga appliances ay nasunog din maliban lang sa niluluto niya. Iritadong tiningnan ko siya. Imposible man pero sabay kong nararamdaman ang takot at iritasyon sa kanya ngayon. "Tinatakot mo ba 'ko ha? Tinatakot mo ba 'ko?"
BINABASA MO ANG
The Demon's Bride
FantasíaIn this world full of hate and judgements, will she find someone who can accept her whole existence? O mahahanap niya iyon sa ibang mundo? Sa mundo na hindi niya aakalaing magbabalik sa pagkataong kinalimutan niya. Netherworld is a world for demons...