Kabanata 44
DeityI WOKE up in a very familiar room. Kwarto ito ni Eon sa palasyo. Naupo ako at hinawakan ang tiyan. Nakahinga ako ng maluwag nang maramdamang ayos lang siya at nababalutan pa rin ng kapangyarihan ko. Kumunot ang noo ko nang makita si Eon na nakasubsob sa gilid ng kama at natutulog.
"Ang laki-laki ng kama, hindi pa rito nahiga." Naiiling na lumapit ako sa kanya. Humiga ako sa paraang malapit sa kanya at malaya kong matititigan ang mukha niya.
Eon has perfectly shaped thick eyebrows, long eyelashes, pointed nose and red lips. Sobrang kinis din ng balat niya na kahit pores ay mahihiyang sumulpot. He got a pair of black eyes that can enslave me just by staring at it. Hindi ko lang ipinapahalata pero mabilis akong rumupok 'pag nakatitig ang mga iyon sa akin. Kahit sa panga niya ay wala akong maipipintas. Mas gumagwapo siya sa paningin ko kapag umiigting 'yan at sexy naman kapag gumagalaw ang adams apple niya.
Bumaba ang tingin ko sa katawan niya. I remembered the day he took me. I bit my lower lip and shook my head to erase the dirty thoughts. Beneath his shirt is his well sculptured body. His abs and muscles are on their right places. Hindi bulky ang katawan niya gaya ng mga bouncer. Hindi ako mahilig sa abs at muscles pero no'ng makilala ko si Eon, nakahiligan ko na. 'Yong katawan kasi niya ay 'yong tipong masarap titigan. Hindi ka magsasawa dahil sa bawat pagkilos n'ya ay magfi-flex ang muscles niya.
Napanguso ako nang matapos ang assessment ko sa kanya. Okay na ako roon dahil wala na akong masasabi sa ibaba niya bukod sa malaki at mahaba 'yon. I'm not a pervert. I'm just describing his legs, okay?
"You're a perfect package that's why you're everyone's ideal man, Eon." I murmured. "I wonder, how many women wants to have a serious relationship with you? Tsk. How can I keep you for myself when I can't even stay with you?"
Kumunot ang noo ko nang makitang may bakas ng natuyong luha sa pisngi niya. Nangingitim din ang ilalim ng mga mata niya.
"Hindi ka talaga makakatulog ng maayos kung ganito ang pwesto mo." I shook my head and controlled the air to lift him up and put him on the bed.
Umayos ako ng higa sa tabi niya. I gently combed his hair using my fingers. I did that for a couple of minutes bago ko mapagpasyahang lumabas na dahil nakakaramdam na ako ng gutom. Wala akong maramdamang sakit sa katawan ko na hindi ko na ipinagtaka pa. Eon looks a bit fine so I think he didn't transfer my pain to him. At hindi ko rin papayagan 'yon, kaya sa tingin ko ay may kinalaman ang katauhan ko sa paghilom ng mga sugat ko.
Halatang tulog pa ang lahat dahil madilim pa ang buong palasyo. Hindi na ako nag-abala pang magbukas ng ilaw dahil nakikita ko naman ang nilalakaran. Nakarating ako sa kusina at agad na naghagilap ng makakain. I'm craving for pancakes with lots of chocolate syrup. Nagbukas ako ng ilaw sa parte ng kusina na gagamitin ko. I prepared everything I needed for cooking before I start. It took me less than an hour to cook my food and clean my mess. Nagtimpla ako ng gatas bago maupo at paulanan ng chocolate syrup ang pancake ko. I chuckled on my own art before digging in.
"Yum yum! You like that, my little one?" I asked as I caressed my tummy. Napatawa ako nang gumalaw siya. "Hindi na ako magugulat kung ilang buwan pa ay marunong ka ng makipag-usap. Isang d'yosa ang nanay mo e."
Nagpatuloy ako sa pagkain at pagkausap sa kanya. Nasa huling subo na ako nang humahangos na dumating si Eon. Bago pa ako makapagsalita ay nahila na niya ako patayo at niyakap ng mahigpit.
"Fuck! I thought I lose you, Kanna!" Dumistansya siya at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa bago yakapin ulit. "Tangina. 'Wag mo akong tatakutin ng gano'n, Kanna. Hindi ko kakayanin."
I frowned. I don't understand why he's acting like this but instead of asking him, I hugged him back. Ipinulupot ko rin ang binti sa bewang niya.
"Nahanap mo na ba—?" Sumulpot si Mommy Mikmik sa may pintuan. Nakapantulog pa siya at ganoon din si Daddy Venven na nasa tabi niya at nakangisi.
BINABASA MO ANG
The Demon's Bride
FantasíaIn this world full of hate and judgements, will she find someone who can accept her whole existence? O mahahanap niya iyon sa ibang mundo? Sa mundo na hindi niya aakalaing magbabalik sa pagkataong kinalimutan niya. Netherworld is a world for demons...