Kabanata 55
Act"WHAT are you doing here, milady?" tanong ni Asmodeus na bigla na lamang sumulpot sa tabi ko.
"Ssshh." bulong ko habang nakalapat ang kanang hintuturo sa labi ko. Hindi ko siya inabalang lingunin man lang dahil ang mga mata ko ay na kay Eon na naglalakad palapit sa locker niya.
Tatlong araw na ang nakakalipas mula ng mangyari ang panggugulo nina Casper. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa The Rulers dahil sa tuwing magtatanong ako ay wala namang sumasagot sa akin. Pwede kong tingnan ang mga nangyari ngunit dahil hindi ako pwedeng gumamit ng kapangyarihan na galing sa mga magulang ko, hindi ko rin magagawa iyon.
Noong araw na mahimatay ako ay nagising din naman agad noong kinahapunan. At mula ng magising ako ay nagsimula na akong gumawa ng mga bagay-bagay na pwedeng maging dahilan ng pagbalik ni Eon sa akin. Ngayon nga ay ang ikalawang araw na ng pagiging tanga ko. Panay lang naman ang sunod ko kay Eon kahit saanman siya magpunta . Of course, hindi lang ako basta-bastang stalker no. Nag-iiwan ako ng mga love letter sa locker niya na may kasamang picture niya. At siyempre, hindi lang iyon ang ginagawa ko para akitin siya pabalik sa akin. Ginagawa ko na rin ang mga bagay na ginawa niya sa akin noon.
Baka sakaling maalala niya na ako 'yong babaeng minahal at pinrotektahan niya sa malayo. Nakagat ko ang labi nang makitang nakatayo na siya sa harap ng locker niya. Inihanda ko ang cellphone na hiniram ko pa kay Yvo at kinuhanan siya ng litrato nang akmang bubuksan na niya ang locker niya. Mula sa cellphone ay pinanood ko siyang kunin ang isang pastel blue na envelope.
Napangiti ako nang makita ang pagkunot ng noo niya kasabay ng pagbaliktad niya sa envelope na parang hinahanap kung may pangalan ng pinaggalingan iyon. Wala akong inilagay dahil hindi naman na kailangan. Kapag binuksan naman kasi niya iyon ay malalaman niya agad na ako ang nagbigay. Unti-unting napawi ang ngiti ko nang makitang pinunit niya iyon nang hindi man lang binubuksan. Hindi lang isang beses kundi maraming beses hanggang sa magpira-piraso iyon. Nanghihinang ibinaba ko ang cellphone. Mas dumoble ang sakit ng puso ko nang makitang binitawan niya ang mga piraso ng papel at walang pakialam na inapakan ang ilan sa mga ito. Kinuha niya ang pakay sa locker niya at umalis na.
Siniguro ko munang wala na talaga siya bago lumabas sa pinagtataguan ko. Lumapit ako sa mga piraso ng papel at paluhod na inipon ang mga ito. Natigilan ako sa ginagawa nang mapatakan ng tubig ang isa sa mga piraso nito. Isang patak, dalawa... hanggang sa tuluyan na akong umiyak. Umiling ako at pinagpatuloy ang pag-iipon sa mga ito bago sila damputin. Nanginginig ang kamay na inilagay ko sila sa bulsa ng palda ko. Sa halip tumayo ay pinakalma ko muna ang sarili ko.
Ayos lang 'yan, Iceia. Baka akala niya ay sa fangirls niya galing 'yon. pagkumbinsi ko sa sarili ko. Kung ba't naman kasi 'di ka naglagay ng pangalan?
"You still have 28 days to pursue him." wika ni Asmodeus na hindi ko alam kung pinapalakas ang loob ko o pinapamukha sa akin ang pagiging tanga ako. Lumebel siya sa akin at hahawakan sana ako sa braso nang makarinig kami ng mga papalapit na yabag. Parang bula siyang naglaho kaya naman agad kong inayos ang sarili at saka pilit na tumayo.
Baka mapagkamalan pa akong baliw dito.
Agad akong bumalik sa pinagtataguan ko kanina at maliksing nakiramdam. Walang mga bakanteng locker dito kaya wala akong mapagtataguang talaga. Sa likod lamang ako ng locker nagtatago at dahil marami namang hilera ng mga locker dito ay medyo kampante akong walang makakakita sa akin. Sa lawak nito at sa dami ng locker na naririto ay pwede na akong makipaglaro ng hide and seek sa kung sinuman ang papasok.
Isang kalabog ang narinig ko kaya agad akong sumilip para alamin kung sino ang mga iyon. Ngunit ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kung sino ang mga iyon at kung ano ang ginagawa nila.
BINABASA MO ANG
The Demon's Bride
FantasíaIn this world full of hate and judgements, will she find someone who can accept her whole existence? O mahahanap niya iyon sa ibang mundo? Sa mundo na hindi niya aakalaing magbabalik sa pagkataong kinalimutan niya. Netherworld is a world for demons...