Kabanata 65

169 6 1
                                    

Kabanata 65
Holy Ground

Third Person

"MALAYO pa ba tayo?" hinihingal na tanong ni Minna. Kanina pa sila naglalakad ngunit tila napakalayo pa rin nila sa kanilang patutunguhan.

"Narito na tayo." sagot ni Fiur kaya inilibot ng dalawa ang paningin nila sa paligid. Fiur chanted a holy spell that immediately drained half of his energy. He's a demon and using a holy spell will cost his energy or worse, his life. Napangiti siya nang makita ang pagkamangha ng dalawang babae sa pagbabago ng kanilang paligid mula sa walang kabuhay-buhay na kagubatan na naging makulay na hardin. Nawala ang ngiti niya nang tumama ang paningin niya sa nag-iisang templo na nasa gitna ng hardin at nakalutang. "They're inside."

Isang malakas na sigaw mula sa pamilyar na boses ang kumumpirma sa sinabi niya. Nanggagaling iyon sa templong pinagmamasdan nila ngayon.

"Kuya..." nag-aalalang saad ni Minna at walang pagdadalawang-isip na tumakbo papunta sa templo. Sumunod naman agad sa kanya si Aster.

Susunod na sana si Fiur sa dalawa nang may mainit na palad ang humawak sa kaliwang balikat niya. Nang lingunin niya kung sino iyon ay ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya.

Sa kabilang banda, isang ngisi ang pinakawalan ng babaeng nakasuot ng itim na belo habang pag-aalala naman ang mababakas sa mga mata ni Iceia.

"Oh! He's finally awake!" masayang saad ni Kara na ipinagsalikop pa ang mga palad at bahagyang tumingala na para bang nagpapasalamat siya sa kalangitan dahil dininig nito ang dasal niya.

"Bitch." Iceia whispered as she glared at the woman who's smiling from ear to ear. Bumuntong-hininga siya at muling tinunaw ang mga yelo sa paligid. Lahat ng nilalang na nabalutan ng kanyang yelo ay nalusaw at naglahong parang bula. Marami-rami rin siyang napatay kaya sa tantiya niya ay nasa humigit-kumulang dalawang daan na lang ang natitira sa mga kalaban. Kaya pa sana niyang patayin ang mga ito kung hindi lang nagising ang hari.

Mariin siyang napapikit nang sumigaw si Eon na ikinayanig ng buong Netherworld. Masyado iyong malakas at makapangyarihan na para bang sinasabi nito sa buong mundo kung sino si Eon Ryu Camince. Nang magmulat siya ay agad siyang napatingala dahil sa malakas na awrang nararamdaman niya sa itaas. At doon, nakita niya si Eon sa pamilyar nitong anyo. Ang buhok nitong pula ay humaba hanggang bewang nito, humaba at tumalim din ang mga itim na kuko nito, kapansin-pansin din ang mahabang pangil nito, lumitaw din ang mga itim na linya sa balat nito at ang higit na nakakuha ng pansin niya ay ang mga mata nitong purong itim.

So, this is his demon transformation... He looks so evil. Well, he's a demon after all. Naiiling na napairap si Iceia dahil sa naisip. She spread her wings and was about to fly towards Eon when a black vine with thorns grabbed her foot and forcefully throw her to the ground.

Of course, she landed on her feet because she's not dumb enough to let face kiss the ground but pain can be seen in her eyes as her captured foot received the impact.

Putragis talagang babaeng 'to. Nagngingitngit ang ngipin na hinawakan niya ang baging na nasa paa at pinagyelo iyon pati na rin ang sugat niya para pigilan ang pagdugo. Umayos siya ng tayo at masamang tiningnan si Kara na nginitian lamang siya ng matamis.

Huh! I'm gonna erase your existence, bitch!

Oo, hindi lang ngiti ni Kara ang buburahin niya kun'di pati na rin ang existence nito. Why would she settle for less when she can do something better? She was about to attack her but stop midway because Kara said something that made her froze.

"I'm his bride."

Gustong sapakin ni Kanna ang sarili dahil sa ginawang pagtigil sa atake. Matagal na niyang alam na si Kara ang totoong bride ni Eon. Si Eon ang nagmarka kay Kara noong nasa sinapupunan pa lamang ito ni Anika. Samantalang siya... siya ang nagmarka kay Eon. Oo, ginawa niya iyon noong bata pa lamang siya. Nauna niya markahan si Eon kaya hindi niya maintindihan kung bakit may minarkahan pang iba ang lalaki gayong may marka na niya ito.

The Demon's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon