Kabanata 26

607 39 5
                                    

Kabanata 26
Royal Families

"OY, MISSY." Makahulugang tingin ni Elijah ang bumungad sa akin. "Bakit nand'yan ka sa kwarto ni Eon ha?"

"Pakialam mo? Umagang-umaga ay napakatsismoso mo, Elijah." Inirapan ko siya. "Kumusta na sina Daddy Venven?"

I'll call Eon's parents the way I called them on our first meeting. Binigyan niya ako ng mapang-asar na tingin na ikinaismid ko.

"Welcome to the family ka na talaga a! Anyway, he's fine."

"Tss. Shut up, Lij." I exhaled sharply and eyed him confusedly. "Hindi mo ba ako tatanungin sa mga ginawa ko kahapon?"

"Hindi, Missy." Ngumiti siya na ikinaiwas ko ng tingin. "Nakakabilib nga na natutunan mo ang mga 'yon sa maiksing panahon."

"You told me about the spells but Fiur taught me how to use it and make it stronger." I answered honestly. "Anyway, where are they?"

"Sina Xenon ba? Nasa library sila. Darating ang pamilya namin dahil sa nangyari." Bigla siyang ngumuso at nagpapaawang tumingin sa akin. "Baka bigyan na nila kami ng gwardya, Missy!"

"Tss. Mabuti 'yon para hindi ka na maglikot." Inirapan ko siya at naglakad papuntang kusina. Nakakasanayan ko na ang pamumuhay dito at hindi ko alam kung mabuting balita 'yon.

"Sayang naman, Missy. Hindi ka pa makakapunta sa teritoryo namin ni Colby. Puputulin na raw ang field trip dahil sa nangyari. Bukas daw ay babalik na tayo sa school. Sa tingin ko'y ang Classifica Battaglia ang gagawin nilang panakip butas para hindi malungkot ang mga estudyante." Umakbay siya sa akin bago bumulong. "Kaya maghanda ka na, Missy. Siguradong doon ka hahamunin ng mga nagseselos sa 'yo."

"Selos?" Nagtataka kong inalis ang braso niya sa balikat ko. "Sino naman ang magseselos sa 'kin? At bakit sila magseselos?"

"Syempre, Missy. Kasa-kasama mo lang naman ang apat na naggagwapuhang prinsipe at mate mo pa ang nag-iisang hari namin. Nakalimutan mo na ba? Mainit ang mata ng mga demonyo sa 'yo dahil ikaw ang nag-iisang tao rito."

"Tss. Sige, ipapaalala mo pa, Elijah at nang masapak kita." Sa laki ng palasyo ay inabot ako ng ilang minuto bago makarating sa kusina.

"Lady Iceia." Yumuko ang mga tagapaglingkod na ikinataka ko.

"Iceia lang. At pwede bang 'wag kayong yumuko? Naaalibadbaran ako." I don't want to sugarcoat my words kaya mas magandang diretsahin na lang sila. "I'm not a princess or one of the royalties so don't ever bow down to me."

"Tinatakot mo sila, Missy."

"Tss. Parang ako pa yata dapat ang makaramdam no'n." Inirapan ko siya nang tawanan lang niya ako. "Baliw."

"Aray, Missy ha. Ikain mo na nga lang 'yan." Itinulak niya ako papunta sa upuan. Siya na ang naghila at sapilitan akong pinaupo roon. "Where's her food?"

"Heto po, Prince Elijah, Lady Iceia."

I was about to speak but Elijah stopped me by stuffing food in my mouth. I'm not comfortable being called with title. Hindi na lang ako nagsalita at kumain na lang. Abala ang Royal Family at late na rin naman akong nagising kaya hindi kami sabay-sabay kumain.

"Gusto kong makita si Daddy Venven. Okay na ba talaga siya?" I arched my brow at him. "Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa 'yo, it's just that..." Ibinaba ko ang hawak na kutsara't tinidor. "Pakiramdam ko'y may mali e. Kasi Elijah, The Ruler 'yon. Imposibleng wala silang ginawa sa kanya."

"Bakit hindi mo na lang kaya siya bisitahin, Ceia?"

Nilingon ko si Yvo na kakapasok lang at naupo sa tabi ni Elijah. Tinampal ko ang kamay niya nang subukan n'yang kumuha ng pagkain sa pinggan ko.

The Demon's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon