Kabanata 49
A ZarriagaICEIA Kanna Marie Velarde Zarriaga is my name. And I'm back to where I do really belong. Wala ako sa langit, wala rin ako sa impyerno. Hindi ako anghel kaya wala ako sa langit at hindi rin naman ako demonyo para mapunta sa impyerno. I'm a deity and deities like me lives in a different dimension where creatures beneath us can never locate. And we called it Empyrean, an empire for Gods and Goddesses.
"This place is the real definition of paradise. Lahat ng nasa paligid mo ay puro good energy." wika ng isang lalaki na tumabi sa akin at nakitanaw sa tanawin sa harapan.
Nasa tuktok kami ng isang burol at pinapanood ang mga bulaklak na isinasayaw ng hangin. Nakasandal ako sa puno na siyang nagbibigay ng lilim sa amin ngayon.
"Not until you came."
"Aw, you're really mean for a Goddess." Ngumisi siya at nilingon ako. "Namimiss mo na ba siya?"
"Shut up, Fiur." Matalim ang mga matang tiningnan ko siya. "Bitches and jerks are everywhere and they might be eavesdropping to us right now so, zip your mouth or my fist will do that for you."
"Sorry, sorry!" Itinaas niya ang dalawang kamay na parang sumusuko na ikinailing ko.
"What are you doing here, anyway?"
"Your mother gave me permission to be here. I-entertain daw kita para hindi ka naman maburyo rito." Bigla siyang ngumiti at nag-pogi sign sa harapan ko. "Does my handsomeness erased your boredom, huh, mahal na prinsesa?"
"Tss. Tumabi ka nga r'yan. Sinisira mo ang view." Nakasimangot na hinawi ko siya at muling pinagmasdan ang mga bulaklak na isinasayaw ng hangin.
I suddenly remembered Mommy Mikmik's garden. Mas kaunti man ang tanim doon ay ramdam ko naman ang kapayapaan sa tuwing pinagmamasdan ang mga iyon. Hindi katulad dito na iritasyon ang nararamdaman ko dahil sa mga matang pinapanood ang mga ginagawa ko at mga tenga na nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko.
"Dalawang buwan na lang at manganganak ka na." biglang wika ni Fiur. "Alam mo na ba ang posibleng mangyari sa 'yo?"
Natigilan ako sa narinig. Halos anim na buwan na pala ang nakakalipas mula ng iwan ko siya.
"Alam ko at handa na ako." Hinaplos ko ang may kalakihan ko ng tiyan.
Katulad sa mga normal na tao ay siyam na buwan din ang pagdadalang-tao ng mga kagaya ko. Normal lang din ang pagde-deliver ngunit dahil hindi normal ang kapareha ko ay posibleng mahirapan ako. Wala pa sa history namin ang isang deity na isang demon ang kapareha kaya wala akong masyadong impormasyon tungkol sa mangyayari sa akin dalawang buwan mula ngayon. Ang ginagawa ko na lamang basehan ay ang mga sinabi sa akin ni Minna noon, na ang isang bride ay mamamatay sa panganganak at magiging demon na pagkatapos. There's a possibility that I'll die but I don't know if I'll turn to a demon after that since I'm a deity.
"May pangalan ka na ba?"
"Yep, pero hindi ko sasabihin sa 'yo." Ngumisi ako. "Even the gender."
"Mangsu-surprise ka pa e dalawang gender lang naman ang kahahantungan n'yan. It's either a he or a she."
"At least, you'll wait until I give birth." Tumayo ako at pinagpagan ang puting bestida ko. "Samahan mo 'ko. Gusto kong pumunta sa library. Sisimulan ko na ang pagbabasa sa mga dapat kong malaman sa mundong 'to."
Yep, within six months that I am here ay hindi ko iyon ginawa. Nakipag-bonding na lang muna ako sa mga magulang ko para punan ang mga taong kinuha nila sa amin. But the fun is over now. Ngayong nandito na ako ay magsisimula na ang panibagong kabanata ng buhay ko.
BINABASA MO ANG
The Demon's Bride
FantasyIn this world full of hate and judgements, will she find someone who can accept her whole existence? O mahahanap niya iyon sa ibang mundo? Sa mundo na hindi niya aakalaing magbabalik sa pagkataong kinalimutan niya. Netherworld is a world for demons...