Kabanata 7
Fiur"ANG DAMI na agad estudyante..." Minna said while looking at the students na manonood ng laban namin. "Well, I can't blame them dahil ngayon lang may gustong kumalaban kay Aster. You know, she treats herself as the queen here. Most of the students respect and fear her."
Nasa gitna na si Aster at naglalaro ng bolang apoy sa kamay niya habang may kakaibang ngisi siya sa labi.
"Just like in the mortal world, title is everything." I whispered at naglakad na sa gitna habang buhat-buhat ang itlog. I can't trust this egg to anyone or leave it anywhere. Kung kinakailangan ko itong hawakan sa buong durasyon ng laban, be it.
"Akala ko'y hindi ka na pupunta." Umayos siya ng tayo kasabay ng pagkawala ng apoy sa kamay niya.
"Pwedeng magsimula na tayo?" bagot na saad ko. Uwing-uwi na ako dahil hahanapan ko pa ng lalagyan ang itlog na 'to.
Bigla siyang humagalpak ng tawa at itinuro ang walang kamalay-malay na itlog ko. Tumawa rin ang karamihan sa mga estudyante. Ano bang nakakatawa sa itlog ko?
"Sigurado ka bang hindi mo bibitawan ang itlog na 'yan?!"
"Bakit ba masyado kang pakialamera? Itlog mo ba 'to, ha?" Kalmado ang boses ko pero kunot na kunot naman ang noo ko.
"Tss. Talagang pinakukulo mo ang dugo ko, baguhan." inis na sabi niya. Matalim ang tingin niya sa akin na parang pinapatay na ako sa utak niya.
Ang dami naman yatang endearment sa akin ng demonyitang 'to.
"Bakit ba masyado kang apektado sa presensiya ko?"
"Shut up! Simulan na lang natin!" Inilahad niya ang kamay at may lumabas na magic circle sa paa niya. Lumabas ang isang pulang dragon na triple o higit pa ang laki sa akin.
"A-ang astig..." bulong ko na narinig pa yata ng demonyitang ito dahil ngumisi siya.
"My familiar is amazing, right? Too bad yours is useless." Nakakainsultong tumawa siya. "Attack her, Fiur!"
Bumuga ng apoy ang dragon kaya napatakbo ako ng hindi oras! Damn it, how am I gonna fight her back? Should I call Yvo? Or run hangga't kaya ko?
"Go, Missy! Go, go, go, Missy!"
I saw Elijah holding a white banner with 'Go, Missy' written on it. Isang irap ang ibinigay ko sa kanya. Kasama niya sina Colby, Eon, Yvo at ang isa pang lalaki na kasa-kasama rin nila noon sa stage.
"Why don't you call your familiar, human? Oopps, my bad, isang walang kwentang itlog nga lang pala ang mayroon ka."
Napamura ako nang makitang pader na ang nasa unahan ko. Patuloy pa rin sa pagbuga ng apoy ang dragon. Napalunok ako dahil ramdam ko na ang apoy sa likod ko. Kaysa tumakbo pabalik ay umapak ako ng dalawang malalaking hakbang sa pader kasabay ng pagtama ng apoy doon. Tumambling ako sa ere dahil posibleng mahagip ako ng apoy at hindi nga ako nagkakamali. Pagkalapag na pagkalapag ko sa lupa ay kumalat ang apoy sa dingding. Wait, nag-backflip ako?
"Marie! Ang galing no'n!"
Napailing na lang ako sa narinig kay Minna at napalunok ulit nang magbato ng sunod-sunod na fire ball sa akin si Aster. Niyakap ko ang itlog at tumakbo palapit sa dragon na nakatalikod sa akin. At dahil patuloy pa rin ang pagbato ni Aster sa akin, tumigil ako ng sakto sa likod ng dragon bago iwasan ang fire ballssss. Four 's' dahil apat sila. Kaya ang ending, 'yong dragon ang tinamaan ng mga bolang apoy niya.
BINABASA MO ANG
The Demon's Bride
FantasyIn this world full of hate and judgements, will she find someone who can accept her whole existence? O mahahanap niya iyon sa ibang mundo? Sa mundo na hindi niya aakalaing magbabalik sa pagkataong kinalimutan niya. Netherworld is a world for demons...