Kabanata 24
Memories With Xenon Yvo Evans"KAPAG ika'y naabutan ko, patay ka sa 'king bata ka." Hinabol ko ng masamang tingin ang tumatakbong si Yvo.
"Eon naman! I-akyat mo na 'yan!" utos niya kay Eon.
Unang hakbang pa lang ni Eon palapit sa akin ay sinamaan ko agad siya ng tingin. Dahil nakatalikod siya sa may pintuan ay nahagip ng paningin ko ang makulay na bagay.
"Oy, rainbow!" Kumaripas ako ng takbo at tinalon ang lumulutang at makulay na inumin. Bago ko pa mainom 'yon ay may umagaw na at itinakbo iyon palayo sa akin. "Elijah!"
"Sorry, Missy. Pero lasing ka na."
"Sino ba kasing lasing ha?" Lumapit ako sa kanya at akmang aagawin ang inumin nang naibato niya agad iyon kay Colby. Napapadyak naman ako sa inis. "Sa akin yan e!"
Sa tuwing lalapit ako ay ipinapasa nila ang bote sa isa't isa. Pinagpapasa-pasahan nila 'yon na mas ikinasimangot ko. Nakapaikot sila sa akin at mukhang nage-enjoy pa sa ginagawa nilang pambu-bully sa akin. Naupo ako sa sahig at nag-concentrate.
"Eon, dalhin mo na siya sa kwarto, please lang." bulong ni Yvo na narinig ko naman.
"Ryu..." paiyak ang boses na banggit ko sa pangalan niya. Tumingala rin ako para ipakita sa kanya ang mga namumuong luha sa mata ko.
"Oh, no, no. 'Wag mong ibibigay, Eon." saad ni Yvo na tila alam ang pinaplano ko.
"Edi 'wag." Ngumuso ako at tumayo kasabay ng pagpunas ko sa luha ko. Nanlalambot ang mga tuhod na lumapit ako kay Colby. "Oy, crush!"
Napatawa ako nang mabilis niya akong sambutin dahil muntik na akong matumba sa sobrang panlalambot ng tuhod ko.
"C-crush?!" gulat na ulit nina Elijah, Sean at Yvo.
"Oo, bakit? May angal kayo?" Sinamaan ko sila ng tingin bago tingalain si Colby at ngitian ng pagkatamis-tamis. "Hi, crush. Ang gwapo mo."
BINABASA MO ANG
The Demon's Bride
FantasyIn this world full of hate and judgements, will she find someone who can accept her whole existence? O mahahanap niya iyon sa ibang mundo? Sa mundo na hindi niya aakalaing magbabalik sa pagkataong kinalimutan niya. Netherworld is a world for demons...